*BRRT BRRT: Lagom ng QCinema Int’l Film Festival 2020


Papikit-pikit na ko kanina nang may tumawag sa selpon ko. Mag-aala-una na. Tapos na ang trabaho. Hindi ko sinagot. Kailangan kong bumawi ng tulog dahil sa toksisidad ng trabaho at estado. Nag-text. Tiningnan ko. Nasa baba na raw sila. From QCinema. May ibibigay na merch dahil umiskor ako ng tix online. Biglang namatay ang selpon. Emptybat. Sakto.

Mabilis akong bumangon at bumaba. Buti na lang naabutan ko pa. May pinapirmahan na umiistayl ayuda bago inabot ‘yung ‘stash.’ Nag-tenkyu ako. Binaril kami ng mata ng gwardya, “Kwaliti!” sabi ko habang papasok sa elevator.

Kung walang pandemya at may naka-iskedyul na pelikula, malamang nasa labas tayo ngayon o nasa loob ng sinehan. Droga ampelikula kaya kailangang gawan pa rin ng paraan para mabusog ang mata at kaluluwa. Nakakadismaya nga lang sa Pilipinas dahil mas ini-enjoy dapat natin ang iba’t ibang porma ng sining kung naging maayos lang sana ang sistema. Sobrang dami nang binago ng pandemyang ito dahil na rin sa kawalan ng pananagutan at kapabayaan.

Hanggang bukas na lang (yata) ang QCinema, ang best local filmfest sa bansa, kaya habol na sa pag-stream. Anyways, may vaccine na ba? “Shanuwa. Ngayon mo lang nalaman na tao pala si Satanas ♪♫.”


OPENING:

1. 기생충 (Gisaengchung) / Parasite – ★★★★★
2020 🇰🇷
🎬 ✍️ Bong Joon-ho
✍️ Jin Won Han

Tae-tao-tayo. Langit-lupa-impiyerno. Eskapista sa eskinita. (In)tensyon. Pataas nang pataas. Baha(y). Pababa nang pababa. Pobreng problema. Linta sa patriarkal na sistema. Walang plano. Walang panalo. Tunggalian ng uri. Gitnang daliri.


BEFORE MIDNIGHT:

1. Midnight in a Perfect World – ★★★★
2020 🇵🇭
🎬 ✍️ Dodo Dayao

Paikot-ikot lang tayo. Ito ang lagusan ng mga patibong. Hindi na natin nahahabol ang oras. Hindi na tayo magkaintindihan. “‘Wag kang magtaka / kung sa pader ng Department of National Defense / ipinipinta ng mga magsasaka ang kanilang galet. / ‘Di tulad mo, / wala silang Facebook wall / na pwedeng pagsulatan ng L-O-L / at Je-je-je at pakshet.” Ito ang lenggwahe nang ‘di maintindihang takot. Araw-araw walang araw. Buwan-buwan walang buwan. Minamanipula tayo ng mga unipormado. “Andami nang desaparasido.” Binubura tayo sa mapa ng estado. “Sabi nga ni Gil Scott-Heron / Hindi isasa-telebisyon / ang Rebolusyon.”


NEW HORIZONS:

1. Sin señas particulares / Identifying Features – ★★★★½
2020 🇲🇽🇪🇸
🎬 ✍️ Fernanda Valadez
✍️ Astrid Rondero

Pinipilit nating hanapin ang tatag. Sa mga ebidensya ng kademunyuhan. Sa gutay-gutay na dyaket, short, pantalon, at t-shirt. Sa putik-putik na mga lalagyan at bag. Sa suson-susong sunog na bangkay na ‘di na halos makilala. May muhon ba ang migrasyon sa malawak na damuhan, dam, at disyerto? Unti-unti na tayong nawawala sa mapa. Hanggang saan ba ang hangganan ng sumpa?


HIGHLIGHTS:

1. Cleaners – ★★★★★
2019 🇵🇭
🎬 ✍️ Glenn Barit

Antolohiya. Anatomiya. Alegorya. Paalala ang pamagat ng matingkad na pag-asa. Tayo ang dyanitor ng madungis na mundo. Tae. Tao. Tayo.


2. Balangiga: Howling Wilderness – ★★★★½
2017 🇵🇭
🎬 ✍️ Khavn
✍️ Jerry Gracio × Achinette Villamor

Bangungot ang pagtulog at paggising sa gitna ng gera. Mata ng batang si Kulas ang nagsisilbing paragos ng kwento na markadong ginampanan ni Justine Samson kasama ang lolo (Pio del Rio) at napulot niyang bata (Warren Tuano) habang umeeskapo sa mga kolonyalistang Kano dahil sa “Kill & Burn” order ni Heneral Smith sa Samar no’ng taong 1901. Sirang plaka ampelikula ng kasaysayan bilang kalakhan ng populasyon ng Pilipinas sa kasalukuyan ay binubuo ng bata na isa pinakabulnerableng sektor ng lipunan.


3. Oda sa Wala – ★★★★½
2018 🇵🇭
🎬 ✍️ Dwein Baltazar

Kalmadong nagsimula ampelikula. Matagal na walang linya. Tulad ng inaasahan, mabisa ang mahika ng sinematograpiya ni Neil Daza na namintina tulad sa mga nauna nilang tambalan ng direktor (Mamay Umeng at Gusto Kita With All My Hypothalamus) kaya masarap titigan ang mga pelikula. Premyado ang opening shot na bumbilyang binububuyog ng gamu-gamo hanggang sa last shot na paikot-ikot sa gubat ang embalsamadora. Hudyat marahil na buhay na ulit ang namatay n’yang pagkataong matagal nang nilukot ng lungkot.


4. Babae at Baril – ★★½
2020 🇰🇷
🎬 ✍️ Rae Red

Swabeng tunog. Alanganing dugtungan ng pagbalikwas. Siklo ng karahasan. Hirarkiya ng kasarian. Walang katapusan. Ekwalidad. Sekswalidad.


*pasintabi sa Bawal Clan

Itutuloy…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s