Memorialisasyon: Philippine Cinema’s Best Scenes of 2019


Nasa ang baba ang personal na mga nagmantsang eksena sa Philippine Cinema no’ng 2019:

1. Kathang Isip | LSS

Unang engkuwentro nina ZaCk & SaraH (Khalil Ramos at Gabbi Garcia) sa bus nang masaya silang magkatabi sa upuan habang patapos na sa background ang ‘Ride Home’ ng Ben & Ben. Pasulpot-sulpot ang iba pang mga awitin ng banda sa pelikula pero pinakamatingkad ang ‘Kathang Isip’ nang aksidente silang magkatabi ulit, sa gig, habang parehong umaambon sa pisngi nila hanggang magkatitigan sila at selyuhan nila ang gabi nang labi sa labi. Hindi na marahil sila duwag. Handa na silang bumalik sa umpisa. Hindi na sila nag-iisa.


2. Cake’s flower icing on Maritess’ lips | John Denver Trending

Tahimik pero makahulugan ang eksenang sinubuan ni John Denver Cabungcal (Jansen Magpusao) ng flower icing ng cake ang ina n’yang si Maritess (Meryll Soriano) matapos s’yang pagalitan nito dahil kinain n’ya ang kalahati ng keyk na pasalubong nila sa mga kapatid n’ya. Sabi nga ng Amerikanong singer-songwriter na may pangalan ding John Denver: In the hearts of the children of pure love still roams / Like a bright star in heaven that lights our way home / Like the flower that shattered the stone.


3. Drinking session | Kalel, 15

Lasing lahat. Tropa-tropa lang. Walang magu-magulang. Walang anak-anak. Nasa pinakamagaling nilang pagganap sina Jaclyn Jose, Elora Espano at Elijah Canlas habang senglot na pinag-uusapan nang parang magkakabarkada lang ang kaputanginahan ng buhay.


4. The escape | Edward

Screenshot_20200702_133925

Perstaym makalayo ni Edward (Louise Abuel) sa perimetro ng ospital habang tumatakas sakay ng padyak, angkas ang malamig na bangkay ni Agnes (Ella Cruz). Bago ito, inilakbay n’ya tayo sa buong ospital na nagsilbing komentaryo sa kasalukuyang kalunus-lunos na estado ng mga pampublikong ospital sa Pilipinas.


5. John Denver cries | John Denver Trending

UntitledBago ang pinakamalagim na eksena, makikita muna natin si John Denver Cabungcal habang palihim na pinupunasan ang luha ng kakapinaw na sinampay nila. Wasak na wasak na ang pagkatao n’ya. Kelangang mabawasan ang mga tinik sa dibdib kahit man lang sa pag-iyak. Pero mas malala ang kasunod na mga nangyari. At hindi natin s’ya dapat sisihin.

⊗⊗⊗

KLIK TAYO:

Unang nalathala sa mga sumusunod:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s