Cinemaddict: June 2020 Film Log


1. Ang Paglalakbay ng mga Bituin sa Gabing Madilim – ★★★★★
2012 🇵🇭
📽️✍️ Arnel Mardoquio

May nagbabadyang panganib kapag biglang tumatahimik ang mga kuliglig. Ito ang pahiwatig, sa timog nang ‘di matapos-tapos na ligalig; ang tunog ng paghahalughog, mga sunog, at pagsabog. Sa gasera ng trahedya at inhustisya, kailangang nating maging mapagpasya at mapagpalaya.


2. Sorry We Missed You – ★★★★★
2019 🇬🇧🇫🇷🇧🇪
📽️ Ken Loach
✍️ Paul Laverty

Gaano kamiserable ang kapitalismo sa mga nakaligtaan ng lipunan? Gising silang binabangungot, kinakain nang buhay; mga ‘di makataong trato at paulit-ulit na panggagantso. Hindi na halos sila nagkikita-kita. Nauubos ang pagkatao, umiihi ang mata, sumasabog na parang dinamita. “I’m sorry, I don’t swear. I’m really sorry. I’m a carer and I care for people. And I’m really sorry. I don’t swear.”


3. The Distance Between Us and the Sky – ★★★★★
2019 🇬🇷🇫🇷
📽️✍️ Vasilis Kekatos

Shotgun. Magkabilaan ang usok ng pag-ibig. Estranghero man ang lenggwahe ng negosasyon, wala pa ring agwat at kasarian ang pagmamahal.


4. Anna – ★★★★★
2019 🇺🇦🇬🇧🇮🇱
📽️✍️ Dekel Berenson

Araw-araw ang trahedya ng klasipikasyon mula sa pisikal na itsura hanggang sa estado ng buhay ng isang tao. Kailangang bumalikwas. Walang mali kahit paulit-ulit tayong hindi pinipili.


5. Never Rarely Sometimes Always – ★★★★½
2020 🇬🇧🇺🇸
📽️✍️ Eliza Hittman

Marahas ang mundo sa mga babae. “Don’t you ever wish you were a dude?” Lahat halos ng aspeto ay digmaan ng desisyon. Sekswal na kasaysayan, seguridad, kalusugan. Mabigat bitbitin mag-isa ang lumulobong lungkot. Masakit. Mahapdi. Mahirap sikmurain. Walang tunay na kalayaan hangga’t may bulnerableng sektor.


6. Honey Boy – ★★★★½
2019 🇺🇸
📽️ Alma Har’el
✍️ Shia LaBeouf

Lahat ng pilat na umaantak ay maaaring maging sugat na nagnanaknak. Ganito kasakit ang komplikasyon ng mga relasyon, ng mga personal na bagahe, ng madidilim na kabanata ng pagkabata na kailangang harapin habang tumatanda.


7. Amok – ★★★★½
2011 🇵🇭
📽️✍️ Lawrence Fajardo

Cul-de-sac. Dugtong-dugtong na mukha ng balang umiikot sa silindro ng baril na walang inaasinta. Sa lungsod, walang pakundangan ang premonisyon ng sikip, sangsang at alinsangan.


8. The Assistant – ★★★★
2019 🇺🇸
📽️✍️ Kitty Green

Linggo-linggo, lima o higit pang araw nang mahahabang oras kung ipamukha ng kapitalismo ang hirarkiya sa kasarian at posisyon, lalo na sa mga kababaihan. May sumisigaw sa telepono, may bumubulong sa pader, may nagdadabog sa pinto, may mistulang manikin sa elevator; mga siklo ng toksisidad sa trabaho at ‘di matanggihang pabor.


9. A Thousand Cuts – ★★★½
2020 🇺🇸🇵🇭
📽️✍️ Ramona Diaz

Desperadong listahan ng kaputanginahan. Dahan-dahan tayong pinapatay ng estado. Ito ang iskema ng pasismo at panloloko; kultura ng impunidad at manipulasyon. Hindi aparato ng gobyerno ang mga mamamahayag. Hindi tayo mga robot; pipi, bingi’t bulag.


10. Philippino Story – ★★★
2013 🇵🇭
📽️✍️ Benji Garcia
✍️ Racquel Villavicencio × Zig Dulay

Tubig na gumagapang sa lababo, sa banyo, sa pinta, sa hita, sa mata, sa buong katawan; bumabaha ng problema. Hinuhubaran tayo ng kaluluwa. Pati ang langit, nawawala, umiiyak.


11. High Life – ★★★
2018 🇫🇷🇬🇧🇩🇪🇵🇱🇺🇸
📽️✍️ Claire Denis
✍️ Jean-Pol Fargeau × Geoff Cox × Andrew Litvack × Nick Laird

Biswalisasyon ng lungkot, dislokasyon at reproduksyon. Walang siguradong espasyo ng distansya ang eksistensya. Lahat ng likido ay mga gahiblang pag-asa ng posibilidad at paglaya. “Never drink your own urine, never eat your own shit — even if they’ve been recycled.”


12. The Love Affair – ★★
2015 🇵🇭
📽️ Nuel Naval
✍️ Vanessa Valdez

Nagbibilang tayo ng mga pagkukulang sa tuwing nagsisisihan tayo. Ganito natin hinaharap ang paulit-ulit na komprontasyon. Sinasampal tayo ng sanga-sangang dila hanggang unti-unti tayong maubos.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s