1. 花樣年華 (Faa yeung nin wa) / In the Mood for Love – ★★★★★
2000 🇭🇰🇨🇳
📽️✍️ Wong Kar-wai
Biswal na kalungkutan, trahedya ng pantasya at saturasyon ng relasyon. Matingkad ang kulay at tono ng emosyon: sa salamin, sa bintana, sa hagdan, sa pader, sa sasakyan, sa mga taong nakapalibot sa kanila. Niloloko. Umiiwas. Bumubulong. Umiiyak. Pati ang langit, nakikisimpatiya sa pag-ibig.
2. Ema – ★★★
2019 🇨🇱
📽️✍️ Pablo Larraín
✍️ Guillermo Calderón × Alejandro Moreno
Isang malaking bulalakaw ng trahedya ang pagmamahal. Ito ang inampong lenggwahe nang diskonektadong pag-iral. Ang sentro de grabedad nang walang batas na paggalaw. Kailangang makasabay at mawala sa tiyempo. Dahil sa daigdig ng pag-ibig, nangangarayom din ang apoy tulad ng tubig.