Cinemaddict: Apr 2020 Film Log


This slideshow requires JavaScript.


1. Kisapmata – ★★★★★
1981 🇵🇭
📽️✍️ Mike De Leon
✍️ Clodualdo del Mundo × Racquel Villavicencio × Nick Joaquin

Opresyon sa kababaihan. Labis-labis na pang-aabuso sa kapangyarihan. Kultura ng impunidad sa lipunang piyudal-patriyarkal. Sa bahay, sa buhay, bulag tayong kumukurap. Malinaw ang lente ng korapsyon hanggang sa kasalukuyan.


2. 甜蜜蜜 (Tian mi mi) / Comrades: Almost a Love Story – ★★★★★
1996 🇭🇰
📽️ Peter Ho-sun Chan
✍️ Ivy Ho Sai-Hong

Sa tren tayo hindi unang nagkita habang ‘binabatukan’ natin ang isa’t isa. Ito ang diaspora ng pagmamahal, ang tunog ng komodipikasyon at mga kondisyon, ang busina ng mapagsamantalang kapitalista, sa t’wing hinahabol ko ang bisikleta, ng lumiliit nating mundo, Kasama.


3. Central do Brasil / Central Station – ★★★★★
1998 🇧🇷🇫🇷
📽️✍️ Walter Salles
✍️ Marcos Bernstein × João Emanuel Carneiro

Sa pamuhatan tayo unang nagkita, minsang hatakin ng tren ang ating mga luha. Dito, sa sanlaksang alon ng mga tao, nahahagip natin ang sentro de grabedad ng ating mga sarili. Nagmamahal at lumalagda sa pinakamalungkot na bahagi ng katawan.


4. Moral – ★★★★★
1982 🇵🇭
📽️ Marilou Diaz-Abaya
✍️ Ricky Lee

Hindi laging mali ang mali. Hindi laging tama ang tama. Sa batas ng mga mapagkunwari at patriarkal na lipunan, ang mundo ng “dapat at kailangan” ay represyon sa mga kababaihan.


5. Eyes Wide Shut – ★★★★½
1999 🇬🇧🇺🇸
📽️✍️ Stanley Kubrick
✍️ Frederic Raphael × Arthur Schnitzler

Kaluluwa ng pangangaliwa. May nagpapantasya, may nagtatago ng maskara, may naglalaro sa baga. Mga bangungot ng matrimonya at patong-patong na katawan ng pagduda.


6. Manila by Night / City After Dark – ★★★★½
1980 🇵🇭
📽️✍️ Ishmael Bernal

Sa pinakamadilim na sandali natin nakikita ang araw. Doon, sa pinakamalawak na sementadong gubat, sa kabisera ng dugtung-dugtong na bangungot ng kaputahan at kaipokrituhan: “Bakit ba tayong lahat naglolokohan? Ewan.”


7. Kontrobersyal – ★★★★½
1981 🇵🇭
📽️✍️ Lino Brocka

“Ibibigay natin sa kanila ang kanilang gusto.” Ganito ikinakahon ang tao. Ganito binibilog ang ulo. Gimik lang ang lahat. Hubaran muna ng kaluluwa bago damitan ang katawan. Lagi’t laging may kapalit. Ito ang multo ng kahirapan. Ito ang mundo ng kahinaan. “Ang sari-saring pampalimot sa malulungkot at sira-sira nilang buhay.”


8. Wanted: Border – ★★★★½
2009 🇵🇭
📽️ Ray Gibraltar
✍️ John Iremil Teodoro

Balangkas ng dahas at siklo ng pagtakas. Siete Palabras. Wakas. Wasak. Lahat tayo ay pira-pirasong karneng nagkakatayan. Iginigisa sa sariling mantika.


9. Deux jours, une nuit / Two Days, One Night – ★★★★
2014 🇧🇪🇫🇷🇮🇹
📽️✍️ Jean-Pierre Dardenne × Luc Dardenne

Palugit ng panggigipit. Desisyon, depresyon at desperasyon. Ito ang dikta ng kapitalistang ganid.


10. Extraction – ★★★
2020 🇺🇸
📽️ Sam Hargrave
✍️ Joe Russo × Ande Parks × Anthony Russo × Fernando León González

Walang pakialam. Walang totoong pakay. Ganito tayo magpasya kapag nakakalaykay ang mga personal na trahedya. Orkestrado: Sumusugod nang bangkay, lumulubog nang kalansay; lumulutang nang buo, buhay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s