Cinemaddict: Feb 2020 Film Log


1. Uncut Gems – ★★★★★
2019 🇺🇸
📽️✍️ Benny Safdie × Josh Safdie
✍️ Ronald Bronstein

Basag-basag. Basang-basa. Balisa. Habol-hininga. Iskema ng problema. Sistema ng kapitalista. Pusta. Puta.


2. 괴물 (Gwoemul) / The Host – ★★★★½
2006 🇰🇷
📽️✍️ Bong Joon Ho
✍️ Ha Won-jun × Baek Chulhyun

Awtopsiya ng inhustisya. Konsikwensya ng toksisidad sa pagpapasya. Kelangang sumalungat sa agos. Tao ang halimaw.


3. Little Women – ★★★★½
2019 🇺🇸
📽️✍️ Greta Gerwig
✍️ Louisa May Alcott

Importansya ng mga ini-etsa-puwera. Walang kasarian ang ambisyon. Gupitin ang hibla ng sakripisyo. Punitin ang papel ng limitasyon. Buklatin ang katotohanang “ang babae ay hindi pangkama o pangkusina lamang.”



4. On Vodka, Beers, and Regrets – ★★★★
2020 🇵🇭
📽️✍️ Irene Emma Villamor

Rurok ng toksisidad. Mapait ang katotohanan. “Gusto kitang mahalin araw-araw pero nahihirapan na ‘ko.” Kailangang magbanlaw para mahulasan. “Susuka pero hindi susuko.”


5. The Invisible Man – ★★★½
2020 🇺🇸🇦🇺
📽️✍️ Leigh Whannell
✍️ H.G. Wells

Alegorya ng puting pintura. Pagbalikwas sa konsepto ng bulag na pagdakila sa mga kalalakihan. Hindi patas ang mundo sa mga kababaihan. “What you can’t see can hurt you.”


6. Birds of Prey – ★★★½
2020 🇺🇸
📽️ Cathy Yan
✍️ Christina Hodson × Paul Dini × Bruce Timm

Kulay ng lumbay at paghihiwalay. Dahas ng pangungulila. Tunggalian ng kapangyarihan at pagkakahati-hati sa kasarian. Tuka at tinik sa leeg: “Ang pagiging babae ay pamumuhay sa panahon ng digma.”


7. Bombshell – ★★★½
2019 🇺🇸🇨🇦
📽️ Jay Roach
✍️ Charles Randolph

Pahayag ng karahasan, karanasan, at kasarian. Siklo ng komodipikasyon, diskriminasyon, at manipulasyon. May mali kung mas mababa ang tingin sa mga babae. May mali kung tinatratong mahina ang mga babae.


8. 1917 – ★★★
2019 🇺🇸🇬🇧🇮🇳🇪🇸🇨🇦
📽️ Sam Mendez
✍️ Krysty Wilson-Cairns

Primera. Kamera. Trinsera. Walang patutunguhang digmaan. Walang katapusang trahedya ng kasaysayan.


9. Watch List – ★★★
2019 🇵🇭🇺🇸🇨🇦
📽️✍️ Ben Rekhi
✍️ Rona Lean Sales

Pamilya. Espiya. Pulisya. Listahan ng mga puntirya. Trahedya ng kampanya. Walang ebidensya. May lisensya. Walang garantiya ng hustisya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s