Tulad ng paggawa ng pelikula, hindi rin simple ang paggawa ng listahan. Hindi pwedeng ihiwalay ang pulitikal sa personal. Lagi’t lagi. Para kanino ba ang ginawang obra? Anong (d)epekto? Kailangan ba laging ma(b)aliw lang?
Kritika(l).
Mahal ang tiket sa sinehan. Mahal ang pamasahe. Mahal ang pagkain. Mahal ang bilihin. Ang hirap magmahal kung lahat na lang nagmamahalan. Wala nang mura. Wala nang libre kundi magmura.
Ang sining dapat ay malaya at mapagpalaya. Ang sining dapat ay may pinapanigan. Ang sining dapat ay para sa lahat at hindi para sa iilan lang.
Nasa baba ang personal na listahan ng mga natripang pelikula no’ng 2019. WIP pa ‘yung tula-tala-kapsula ng iba.
1. John Denver Trending
📽️✍️ Arden Rod Condez
Binabalisawsaw na interogasyon. Kultura ng pambubuska at kawalan ng pananagutan. Birtwal at aktwal na karahasan. Nagmumulto. Nagmamantsa. Nangongonsensya.
2. Cleaners
📽️✍️ Glenn Barit
Antolohiya. Anatomiya. Alegorya. Paalala ang pamagat ng matingkad na pag-asa. Tayo ang dyanitor ng madungis na mundo. Tae. Tao. Tayo.
3. Ang Hupa
📽️✍️ Lav Diaz
Identipikasyon ng diktadurya. Nawawalang araw. Naglalahong ulirat. Pagputok ng bulkan. Pagdilim ng kasaysayan. Buwang ang pangulo. Hindi bulaan ang propeta.
4. Kalel, 15
📽️✍️ Jun Lana
Dura sa langit. Pari. Puri. Posas ng subersyon. Dahas. Danas. Balangkas ng pagbalikwas.
5. Watch Me Kill
📽️✍️ T.A. Acierto
Magaspang ang mundo. “Sabi nila, dalawang beses daw namamatay ang isang tao.” Walang pakiramdam. Walang pakundangan. Patay na buhay. Buhay na patay. Kalmado. Sumasabog. Amoy-gomang nasusunog.
6. Misterio de la Noche / Mystery of the Night
📽️ Adolfo Alix Jr.
✍️ Rody Vera × Maynard Manansala
Wakwak na persona. Ginagahasang soberanya. (H)istorya. Isterya. Ebolusyon. Rebolusyon.
7. Edward – ★★★★
📽️✍️ Thop Nazareno
✍️ John Paul Bedia × Denise O’Hara × Sarah Pagcaliwagan-Brakensiek
Mor(t)alidad. Agaw-buhay na relasyon. Bulnerable. Morge. Pasyente. Pasensya.
8. Metamorphosis
📽️✍️ J.E. Tiglao
(R)ebolusyon. Digmaan ng desisyon. Tilas at kulambo. Toyo at suka. “Lahat ng tao, may sikreto. Pero hindi lahat ng sikreto ay masama.”
9. Utopia
📽️✍️ Dustin Celestino
Biktima ang suspek. Suspek ang biktima. Biktima lahat ng inhustisya. Wala nang sapot ang bumbilya. Bubulusok ang pag-asa. Sa maiksing panahon. Sa maling pagkakataon.
10. Sila-Sila
📽️ Giancarlo Abrahan
✍️ Daniel Saniana
Nagmumultong nakaraan. Nagnanaknak na sugat. Umaantak na pilat. Sirang plaka. Putul-putol na koneksyon. Patay-sinding relasyon.
11. Pailalim
📽️✍️Daniel Palacio
Alegorya ng kamposanto. Patay na buhay. Buhay na patay. Siklo ng demolisyon. Langit. Lupa. Impiyerno.
12. Hello, Love, Goodbye
📽️✍️ Cathy Garcia-Molina
✍️ Carmi Raymundo × Ronalisa Co
Hirarkiya ng pag-ibig: “Kung mahal mo ‘ko bakit pinapapili mo ‘ko?” Aligaga. Obligasyon. Taning. Pangarap.
13. Kuwaresma
📽️✍️ Erik Matti
✍️ Katski Flores
Orkestradong ingay. Sobenistang sungay. “Ang labas ay nasa loob. Ang loob ay nasa labas. ‘Wag na ‘wag kang papasok sa loob.” Kambal ang kasamaan: Piyudal-patriyarkal.
14. Alone/Together
📽️✍️ Antoinette Jadaone
Pangako ng posibilidad. Mala-kolonyal at mala-piyudal. Medalya at Rivermaya. E-heads at what ifs. Singsing at sining.
15. Isa Pa with Feelings
📽️ Prime Cruz
✍️ Jenilee Chuaunsu × Kookai Labayen
Lorem ipsum dolor sit amet…
16. Lola Igna
📽️✍️ Eduardo Roy Jr.
✍️ Margarette Labrador
Lorem ipsum dolor sit amet…
17. Between Maybes
📽️✍️ Jason Paul Laxamana
✍️ Kriz Gazmen
Lorem ipsum dolor sit amet…
18. Ulan
📽️✍️ Irene Emma Villamor
Ulap ng alaala. Lawak ng pinsala. “Heto Na Naman.” Pinaglalaruan. Sinasalanta. Bumabata. Umaabon sa pisngi, sa lupa.
19. Sunod
📽️ Carlo Ledesma
✍️ Anton Santamaria
Lorem ipsum dolor sit amet…
20. LSS
📽️✍️ Jade Castro
✍️ Siege Ledesma × Jessie Lasaten × Emmanuel Dela Cruz × Nikki Del Carmen
Lorem ipsum dolor sit amet…
21. Write About Love
📽️✍️ Crisanto Aquino
✍️ Janica Mae Regalo × Ays De Guzman
Lorem ipsum dolor sit amet…
22. Unforgettable
📽️ Jun Lana × Perci Intalan
✍️ Ash Malanum × Keavy Eunice Vicente
Alaala at paalala ampelikula. Kahit andaming problema. Kahit hingal na hingal ka na. Kahit “Saglit Na Lang.” Kailangan mong maniwala: May rabies ang kabutihan. Kailangang kumalat.
23. ジノとマリ(Jino to Mari) / Gino and Marie
📽️✍️ Joselito Altarejos
✍️ John Paul Bedia
Cul de sac. Digmaan ng hangganan. Kapiranggot na limitasyon. Talsik ng eksploytasyon. Semilya. Soberanya. Ungol. Angal.
24. Elise
📽️✍️ Joel Ferrer
✍️ Miko Livelo
Mga naiwang bakas. Music box. Tunaw na ice cream. Salamisim.
25. Quezon’s Game
📽️ Matthew Rosen
✍️ Janice Perez × Dean Rosen
Lorem ipsum dolor sit amet…
26. Bamboo Dogs
📽️✍️ Khavn
✍️ Achinette Villamor × Homer Novicio × Norman Wilwayco
Aparato ng estado, unipormado at merkado. Umaandar na ataul. Tumatahol na nilalang. “Ang mundo ay isang palapag lamang.”
27. Cuddle Weather
📽️✍️ Rod Marmol
Puhunan. Katawan. Dahilan. Pangalan. Ambisyon. Desperasyon. Pultaym. Laylo. “Wala nang lulungkot pa sa taong nawalan na ng libog sa buhay.”
28. Open
📽️ Andoy Ranay
✍️ Wanggo Gallaga × Dwein Baltazar × Kookai Labayen
Lorem ipsum dolor sit amet…
29. MOMOL Nights
📽️✍️ Benedict Mique
✍️ Carlo Ventura
Lorem ipsum dolor sit amet…
Longlib!