Pagbalikwas sa Kumbensyon: Lagom ng Cinema One Originals Film Festival 2019


Taun-taon, hindi pwedeng walang kakaiba sa mga pelikula ng Cinema One Originals, ang maituturing na pinakahuling dekalidad na film festival sa Pilipinas na bumalik na ulit sa orihinal nitong iskedyul tuwing Nobyembre.

Binuksan ng The Lighthouse ang filmfest no’ng Huwebes, tatlumpung minuto pagkatapos ng trabaho kaya ‘di na ko nag-abalang kontakin ang mga organisador. Kaso, soldout na rin pala ang  2nd screening nito sa Power Plant Mall no’ng pumunta ako.

Nakakapagtaka namang biglang hindi ko makita ‘yung salamin ko bago magsimula ‘yung The Invisible Life of Euridice Gusmao. Galing ako sa praktis ng sayaw para sa Christmas Party at hindi ko maalala kung nalaglag sa sinakyan ko pa-Glorietta o sa ticketing o sa mismong sinehan. Wala pang isang buwan nang maiwan ko sa bus ‘yung isa kong salamin (https://arkibero.wordpress.com/2019/10/23/militante-at-importante-lagom-ng-qcinema-international-film-festival-2019/) kaya nawalan na ko nang ganang um-attack sa Knives Out at Mañanita. Papanoorin ko pa sana sa huling araw ng festival ‘yung Misteryo sa Tuwa, The Lighthouse at Dead Kids kaso hindi na talaga nagparamdam ‘yung salamin ko.

Malabo nang magawan ko lahat ng TULA × TALA × KAPSULA (https://letterboxd.com/maykalegre/) so hindi ko ulit makukumpleto tulad no’ng nakaraang taon: https://arkibero.wordpress.com/2018/11/05/identipikasyon-at-representasyon-lagom-ng-cinema-one-originals-film-festival-2018/

 

MAIN COMPETITION:

1. Metamorphosis – ★★★★
2019 🇵🇭
📽️✍️ J.E. Tiglao

(R)ebolusyon. Digmaan ng desisyon. Tilas at kulambo. Toyo at suka. “Lahat ng tao, may sikreto. Pero hindi lahat ng sikreto ay masama.”


2. Utopia – ★★★★
2019 🇵🇭
📽️✍️ Dustin Celestino

Biktima ang suspek. Suspek ang biktima. Biktima lahat ng inhustisya. Wala nang sapot ang bumbilya. Bubulusok ang pag-asa. Sa maiksing panahon. Sa maling pagkakataon.


3. Sila-sila – ★★★★
2019 🇵🇭
📽️ Giancarlo Abrahan
✍️ Daniel Saniana

Nagmumultong nakaraan. Nagnanaknak na sugat. Umaantak na pilat. Sirang plaka. Putul-putol na koneksyon. Patay-sinding relasyon.


4. Lucid ★★½
2019 🇵🇭
📽️ Victor Villanueva
✍️ Natts Jadaone

Mga bangungot ng lungkot, dislokasyon at kapitalismo. Sikwensya ng sirkumstansya. Eskapista, pugante, takas.


5. Tia Madre ★★
2019 🇵🇭
📽️✍️ Denise O’Hara

Usok at apoy. Hindi makatakas sa nakaraan. Biswal na kalabisan. Totoo at mito.


6. Tayo Muna Habang Hindi Pa Tayo ★★
2019 🇵🇭
📽️✍️ Denise O’Hara

Toksisidad ng relasyon. Walang direksyon. Pabago-bagong desisyon. Gusto. Disgusto. Paroo’t parito. Siklo ng pagtatalo.


7. – ★ 
2019 🇵🇭
📽️✍️ Kevin Dayrit

Gimik at dugong ‘di nagmamantsa. Pito, nag-walkout sa Glorietta. Droga. Bampira. Nekropilya.


BEST DIRECTOR
1. Giancarlo Abrahan (Sila-sila)
2. Dustin Celestino (Utopia)
3. J.E. Tiglao (Metamorphosis)
4. Victor Villanueva (Lucid)

BEST SCREENWRITER
1. Dustin Celestino (Utopia)
2. J.E. Tiglao (Metamorphosis)
3. Daniel Saniana (Sila-sila)
4. Natts Jadaone (Lucid)

BEST ACTRESS
1. Alessandra De Rossi (Lucid)
2. Jana Agoncillo (Tia Madre)
3. Jane Oineza (Tayo Muna Habang Hindi Pa Tayo)
4. Regine Velasquez-Alcasid (Yours Truly, Shirley)

BEST ACTOR
1. Gold Azeron (Metamorphosis)
2. Gio Gahol (Sila-sila)
3. Joem Bascon (Utopia)
4. JC Santos (Tayo Muna Habang Hindi Pa Tayo)

BEST SUPPORTING ACTRESS
1. Iana Bernardez (Metamorphosis)
2. Cherie Gil (Tia Madre)
3. Via Antonio (Yours Truly, Shirley)
4. Frances Makil Ignacio (Utopia)

BEST SUPPORTING ACTOR
1. Ricky Davao (Metamorphosis)
2. Bob Jbeili (Lucid)
3. Phi Palmos (Sila-sila)
4. Tadsky Obach (Utopia)

BEST EDITOR
1. Ilsa Malsi (Sila-sila)
2. Renard Torres (Metamorphosis)
3. Benjamin Tolentino (Lucid)
4. JM Basa (Utopia)

BEST CINEMATOGRAPHER
1. Tey Clamor (Metamorphosis)
2. Cesca Lee (Utopia)
3. Theo Lozada (Sila-sila)
4. Carlos Mauricio (Tia Madre)

BEST PRODUCTION DESIGNER
1. James Rosendal (Metamorphosis)
2. Eero Yves Francisco (Utopia)
3. Angel Diesta (Lucid)
4. Whammy Alcazaren & Thesa Tang (Sila-sila)

BEST SOUND DESIGNER
1. Immanuel Verona & Vince Banta (Metamorphosis)
2. Wapak Studios (Sila-sila)
3. Jess Carlos (Utopia)
4. Nioki Aquino (Tia Madre)

BEST MUSICAL SCORER
1. Pepe Manikan (Metamorphosis)
2. Igo Gonzales (Sila-sila)
3. Francis De Veyra (Utopia)
4. Emerzon Texon (Lucid)

BEST POSTER
1. Metamorphosis
2. Lucid
3. Tia Madre
4. Sila-sila

BEST TRAILER
1. Metamorphosis
2. Lucid
3. Tia Madre
4. O

BEST TITLE
1. Tayo Muna Habang Hindi Pa Tayo
2. O
3. Sila-sila
4. Tia Madre


SPECIAL SCREENING:

1. The Two Popes – ★★★★
2019 🇬🇧🇮🇹🇦🇷🇺🇸
📽️ Fernando Meirelles
✍️ Anthony McCarten

Kontradiktoryong desisyon. Lumalabnaw na debosyon. Sarado na ang pinto. Lalabas na ulit ang usok. “You’re not God, you’re only human.”


WORLD CINEMA:

1. Portrait de la jeune fille en feu / Portrait of a Lady on Fire – ★★★★½
2019 🇫🇷
📽️✍️ Céline Sciamma

Paleta ng emosyon: Ikaw ang daigdig na iguguhit ko sa mga titig dahil walang bawal na pag-ibig.


2. La vérité / The Truth – ★★½
2019 🇫🇷🇯🇵
📽️✍️ Hirokazu Kore-eda

Estrangherong relasyon. Konsumisyon. Komprontasyon. Bersyon ng memorya. Hindi mauubos ang pasensya.


3. Matthias and Maxime – ★★½
2019 🇨🇦
📽️✍️ Xavier Dolan

Tinakpan n’ya ng bibig ang pag-ibig hanggang mabuksan ang daigdig: nakaraan at pakiramdam, hanggang mabulabog ang lahat: pamilya at kaibigan.

Itutuloy…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s