Militante at Importante: Lagom ng QCinema International Film Festival 2019


Int. Kwarto – Gabi.

Nasa website ako ng QCinema para sa iskedyul ng mga pelikula nang mapansin ko ‘yung Media Center. Dahil ‘di pa ko inaantok, napa-fill out ako ng form for media accreditation kahit ‘di naman ako pultaym. ‘Yung totoo, trip-trip lang talaga. Kain na kain na kasi ‘yung oras ko sa trabaho at dumagdag pa ‘yung biglaan kong pag-a-aquathlon kaya mas lalo nang naging pilit na pilit sa ‘kin ang pagsusulat. Hindi ko naman pwedeng kalimutan ang pagsusulat dahil ito ‘yung pinakagusto kong gawin kahit na antamad-tamad ko. Anlabo ko basta sigurado ako.

Apat na araw bago ang 2nd aquathlon ko sa Vermosa Sports Hub, bigla akong nakatanggap ng email mula sa QCinema. Limitado lang daw ang bilang ng festival pass na naibibigay nila pero iniimbitahan nila ako para sa advance screening ng opening film at ng tatlong Filipino entries para sa Asian Next Wave sa Gateway. Nasa ikapitong taon na pala ngayon ng QCinema at solido pa rin ang line-up ng mga pelikula kaya hindi pwedeng isnabin ang maituturing na pinakamilitante at pinaka-importanteng film festival sa Pilipinas.

Kinabukasan, pagkatapos lumangoy-takbo nang puyat sa Sun Life Aquathlon, sumibat agad ako ng Cavite para habulin ‘yung opening film. Umabot naman ako pati ‘yung bagong salamin ko. Naiwan ko kasi ‘yung luma no’ng ilapag ko sa tabi ko nang magpalit ako ng t-shirt sa loob ng bus. Sabog na marahil ako tulad ng mga karakter nina Xian Lim at Cristine Reyes.

OPENING FILM:

UnTrue – ★★½
2019 🇵🇭
📽️✍️ Sigrid Andrea Bernardo

Lunatikong bersyon: Ubas sa kaibigan, espada sa kaaway; ubas at espada sa karelasyon.

 


ASIAN NEXT WAVE:

1. Cleaners – ★★★★★ 
2019 🇵🇭
📽️✍️ Glenn Barit

Antolohiya. Anatomiya. Alegorya. Paalala ang pamagat ng matingkad na pag-asa. Tayo ang dyanitor ng madungis na mundo. Tae. Tao. Tayo.


2. Babae at Baril – ½
2019 🇵🇭
📽️✍️ Rae Red

Swabeng tunog. Alanganing dugtungan ng pagbalikwas. Siklo ng karahasan. Hirarkiya ng kasarian. Walang katapusan. Ekwalidad. Sekswalidad.


SCREEN INTERNATIONAL:

1. Bacurau – ★★★★★ 
2019 🇧🇷🇫🇷
📽️✍️ Juliano Dornelles × Kleber Mendonça Filho

Kabaong. Kasaysayan. Simbahan. Wala sa mapa. Walang pinipiling edad ang mga pasista. May dapat na panigan sa pagitan ng tunggalian lalo na kung laban sa mga mapagmanipulang puwersa: dambuhalang merkado, sunud-sunurang unipormado, desperadong estado.


RAINBOWQC:

1. Song Lang – ★★★★★ 
2018 🇻🇳
📽️✍️ Leon Le
✍️ Minh Ngoc Nguyen

Teatro. Engkuwentro. Insulto. Instrumento. Analohiya ng eksena. Sarado na ang kurtina. Hindi laging kelangan ng isteryotipikong tensyon para itampok ang koneksyon, atraksyon, relasyon.


2. And Then We Danced – ★★★★½
2019 🇸🇪🇬🇪🇫🇷
📽️✍️ Levan Akin

Tunggalian ng uri. Opresyon. Bawal magpahinga. Diskriminasyon. Bawal ang malambot. Tradisyon. Sayaw sa bu(g)bog. Biswal na lenggwahe ng emosyon.


 

NEW HORIZONS:

Buoyancy – ★★½
2019 🇦🇺
📽️✍️ Rodd Rathjen

Iskema ng panloloko. Palutang-lutang na bangungot. Lulubog. Lilitaw. Butas na ang lambat. Kailangang mag-aklas, mag-armas, tumakas.


Itutuloy…

 

One response to “Militante at Importante: Lagom ng QCinema International Film Festival 2019

  1. Pingback: Pagbalikwas sa Kumbensyon: Lagom ng Cinema One Originals Film Festival 2019 | Arkibero·

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s