Butas na ‘yung bulsa ko dahil sa Virgin Lab Fest (https://arkibero.wordpress.com/2019/06/23/kardiyalogo-lagom-ng-virgin-lab-fest-2019/) na perstaym kong puntahan at sa Cinemalaya (https://arkibero.wordpress.com/2019/08/07/paglipad-ng-haraya-pagputok-ng-historya-lagom-ng-cinemalaya-2019/) na Year 6 ko na ngayong taon kaya napilitan akong pumatol sa Pista ng Pelikulang Pilipino 3 Grand FanCon na inakala kong bibigyan agad ng tiket ang 1st 100 na pumila nang maaga (dahil sa ‘Sandaan’ ngayong taon ng Pelikulang Pilipino. Joke. Haha). Pero PistAmazing race ang nangyari na buti na lang dahil may kasama akong tropa kaya medyo hindi dyahe gawin ‘yung mga selfie and games na kinakailangan pang i-upload publicly sa account mo after mo makumpleto.
Binura ko agad ‘yung mga nakakahiyang selfies kung saan pang-65 na ko sa natapos bago mag-lunch. Pinabalik nila kami ng 3pm para i-claim ang pass kaya ‘di na ko nakapag-training ng swimming para sa aquathlon kinahapunan. Wala namang regrets dahil pelikula. Bisyo, e. At sayang din kasi ang Php2800 para sa sampung pelikula kung dadagdag pa sa gastos mo sa mahal na pamasahe at pagkain sa mall. Taliwas sa nakaimprenta sa pass, linawin ko lang na hindi lang naman Php20 ang babayaran sa bawat pelikula kapag may pass ka na dahil may mga mall na combo dapat ang panonood so magbabayad ka ng Php90 sa ibang sinehan nila tulad ng Uptown sa BGC dahil kinakailangang may kasama na ‘yung drinks at popcorn.
OFFICIAL ENTRIES:
1. Watch Me Kill – ★★★★½
2019 🇵🇭
📽️✍️ T.A. Acierto
Magaspang ang mundo. “Sabi nila, dalawang beses daw namamatay ang isang tao.” Walang pakiramdam. Walang pakundangan. Patay na buhay. Buhay na patay. Kalmado. Sumasabog. Amoy-gomang nasusunog.
2. Cuddle Weather – ★★★½
2019 🇵🇭
📽️✍️ Rod Marmol
Puhunan. Katawan. Dahilan. Pangalan. Ambisyon. Desperasyon. Pultaym. Laylo. “Wala nang lulungkot pa sa taong nawalan na ng libog sa buhay.”
⊗⊗⊗
KLIK TAYO:
- Larawang kuha ni Amadeo Suarez III
- May komprehensibo pala akong tala sa PPP 2 no’ng nakaraang taon: https://arkibero.wordpress.com/2018/08/21/kapista-o-kapitalista-lagom-ng-pista-ng-pelikulang-pilipino-2018/