1. Bacurau – ★★★★★
2019 🇧🇷🇫🇷
📽️✍️ Juliano Dornelles × Kleber Mendonça Filho
Kabaong. Kasaysayan. Simbahan. Wala sa mapa. Walang pinipiling edad ang mga pasista. May dapat na panigan sa pagitan ng tunggalian lalo na kung laban sa mga mapagmanipulang puwersa: dambuhalang merkado, sunud-sunurang unipormado, desperadong estado.
2. Song Lang – ★★★★★
2018 🇻🇳
📽️✍️ Leon Le
✍️ Minh Ngoc Nguyen
Teatro. Engkuwentro. Insulto. Instrumento. Analohiya ng eksena. Sarado na ang kurtina. Hindi laging kelangan ng isteryotipikong tensyon para itampok ang koneksyon, atraksyon, relasyon.
3. Cleaners – ★★★★★
2019 🇵🇭
📽️✍️ Glenn Barit
Antolohiya. Anatomiya. Alegorya. Paalala ang pamagat ng matingkad na pag-asa. Tayo ang dyanitor ng madungis na mundo. Tae. Tao. Tayo.
4. Joker – ★★★★★
2019 🇺🇸
📽️✍️ Todd Phillips
✍️ Scott Silver
May pinagmulan. Walang pakundangan ang karahasan na iniluluwal ng lipunan. Walang katarungan. Walang pakialam. Walang pakiramdam. Walang mali sa pagmamahal. “Walang mali sa paglaban. May mali kaya lumaban.”
5. And Then We Danced – ★★★★½
2019 🇸🇪🇬🇪🇫🇷
📽️✍️ Levan Akin
Tunggalian ng uri. Opresyon. Bawal magpahinga. Diskriminasyon. Bawal ang malambot. Tradisyon. Sayaw sa bu(g)bog. Biswal na lenggwahe ng emosyon.
6. Unforgettable – ★★★★
2019 🇵🇭
📽️ Jun Lana × Perci Intalan
✍️ Ash Malanum × Keavy Eunice Vicente
Alaala at paalala ampelikula. Kahit andaming problema. Kahit hingal na hingal ka na. Kahit “Saglit Na Lang.” Kailangan mong maniwala: May rabies ang kabutihan. Kailangang kumalat.
7. Buoyancy – ★★★½
2019 🇦🇺
📽️✍️ Rodd Rathjen
Iskema ng panloloko. Palutang-lutang na bangungot. Lulubog. Lilitaw. Butas na ang lambat. Kailangang mag-aklas, mag-armas, tumakas.
8. UnTrue – ★★★½
2019 🇵🇭
📽️✍️ Sigrid Andrea Bernardo
Lunatikong bersyon: Ubas sa kaibigan, espada sa kaaway; ubas at espada sa karelasyon.
9. Babae at Baril – ★★½
2019 🇵🇭
📽️✍️ Rae Red
Swabeng tunog. Alanganing dugtungan ng pagbalikwas. Siklo ng karahasan. Hirarkiya ng kasarian. Walang katapusan. Ekwalidad. Sekswalidad.