Trilohiya ng Diktadurya: Lagom ng Never Forget Film Festival 2018


“Hustisya hindi amnesia.”

Tila barbed wire na buhol-buhol habang nakapulupot sa leeg ang sitwasyon ng Batas Militar sa Pilipinas. Kung tititigang maigi, nakasukob tayo iisang panahon kung saan matingkad na matingkad ang presensya ng tatlong pinakahuling pangulong nagdeklara nito.

Patay na ang isa na nakakahiyang inilibing pa no’ng 2016 sa Libingan ng mga Bayani pero buhay na buhay pa ang alaala bilang may pinakamarahas at pinakamatagal na implementasyon ng Batas Militar na maituturing na isa sa pinamadilim na kasaysayan ng Pilipinas 46 taon na ang nakararaan mula ngayong araw (Setyembre 21).

Sumunod ang isang dating pangulo na hinirang ngayong House Speaker na matatandaang nagdeklara naman noong 2009 ng Martial Law sa probinsya ng Maguindanao kung saan malaganap din ang paglabag sa karapatang pantao, partikular sa hanay ng mga mamamahayag (Ampatuan Massacre) at iba pang sektor ng lipunan sa buong bansa no’ng nakaupo pa s’ya.

Ang huli naman ay pinalawig pa hanggang sa katapusan ng 2018 ang Batas Militar sa buong Mindanao at walang pakialam sa dumadaming bilang ng namamatay na sibilyan dahil sa giyera n’ya kontra-droga. Kitang-kita tuloy na mas prayoridad pa ng kasalukuyang pangulo ang isyu ng iligal na droga at kriminalidad kaysa sa isyu ng kahirapan, korupsiyon at implasyon sa buong Pilipinas. 

Paikot-ikot lang ang senaryo. Paulit-ulit ang kultura ng impunidad o kawalang pananagutan. 

Hindi natatahimik ang multo tulad ng dumadaming biktima ng inhustisya sa Pilipinas kaya hindi rin tayo dapat manatiling tahimik. Babala at paalala ang mga importanteng pelikulang kasama sa unang Never Forget Film Festival (NFFF) ng Cinema Centenario (matatagpuan sa Maginhawa St., QC at palabas sa buong buwan ng Setyembre) na hindi tayo dapat makalimot sa trilohiya ng Martial Law sa ilalim ng pasistang rehimeng Marcos-Arroyo-Duterte.

Kelangan nating magmatyag sa mga kasunod na mangyayari.

LINE-UP:

1. Batang West Side – 🔟
2001 🇵🇭🇺🇸 Lav Diaz

Bata pa ‘ko nang mabasa ko sa dyaryo ampelikula. Wala kaming cable no’n sa Quezon. Wala rin akong mahagilap no’n na VHS nito. Hindi ko alam kumbakit gusto kong mapanood. Siguro dahil matindi lang ang kuryusidad ko kumpa’no ba mamboso nang lampas sa limang oras at dahil kakaibang Priscilla Almeda ang matititigan ko sa pelikula. 2016 ko na natiyempuhan ampelikula sa Cinematheque. Sulit naman ang isa’t kalahating dekada ng pagkainip. Obra-maestra ang limang oras na total running time nampelikula. Natatangi ang teknikal na aspeto at ang suson-susong k’wentong sumentro sa imbestigasyon ng krisis sa migrasyon at alienasyon ng mga Pinoy sa ibang bansa.
🎟️ PHP 300.00
🎞️ SAT, 29 SEP 2018, 06:30PM


2. Mga Kuwentong Barbero / Barber’s Tales – 🔟
2013 🇵🇭 Jun Lana

Totoo at hindi imbento ang “Mga Kwentong Barbero” na hindi maikakailang umiiral pa rin hanggang ngayon dahil sa malaganap na kultura ng piyudalismo na kitang-kita sa tahanan kung sa’n kalimitan ay robot ang babae o sunud-sunuran sa desisyon ng sobenistang lalaki. Ampelikula ay pangalawa sa napakahusay na trilohiyang rural ng direktor dahil sa premyadong produksyon at dahil sa ambag nito sa tinatawag na kamalayang panlipunan o social consciusness. Una sa tatlo ang “Bwakaw” (2011) at kinumpleto ng “Anino sa Likod ng Buwan” (2015) na pare-parehong matatalas at maituturing na kabilang sa pinakamahuhusay na pelikula nang taong ilabas ampelikula. 
🎟️ PHP 200.00
🎞️ FRI, 21 SEP 2018, 05:00PM
🎞️ FRI, 28 SEP 2018, 10:00PM


3. Respeto – 🔟
2017 🇵🇭 Treb Monteras III

Lorem ipsum dolor sit amet…
🎟️ PHP 200.00
🎞️ FRI, 21 SEP 2018, 10:00PM
🎞️ WED, 26 SEP 2018, 11:00PM


4. Esprit de Corps – 🔟
2014 🇵🇭 Kanakan Balintagos

Lorem ipsum dolor sit amet…
🎟️ PHP 200.00
🎞️ FRI, 21 SEP 2018, 12:30AM (Beyond Midnight Screening)
🎞️ MON, 24 SEP 2018, 08:30PM
🎞️ TUE, 25 SEP 2018, 08:30PM


5. Mula sa Kung Ano ang Noon – 9️⃣
2014 🇵🇭 Lav Diaz

Lorem ipsum dolor sit amet…
🎟️ PHP 300.00
🎞️ SAT, 22 SEP 2018, 11:00AM


6. Citizen Jake – 8️⃣
2018 🇵🇭 Mike De Leon

Lorem ipsum dolor sit amet…
🎟️ PHP 200.00
🎞️ FRI, 21 SEP 2018, 02:30PM
🎞️ SUN, 30 SEP 2018, 11:00AM


7. Ang Panahon ng Halimaw – 8️⃣
2018 🇵🇭 Lav Diaz

Lorem ipsum dolor sit amet…
🎟️ PHP 400.00
🎞️ SUN, 23 SEP 2018, 04:00PM


8. Tu Pug Imatuy / The Right to Kill – 7️⃣
2017 🇵🇭 Arnel Barbarona

Eksaminasyon ampelikula sa iba’t ibang porma nang pagpatay mula sa hayop hanggang sa tao. Hanggang ngayon, napapanahon ampelikula bilang nagpapatuloy ang inhustisya sa mga kapatid nating Lumad sa Mindanao at ang kultura ng impunidad sa kalakhan dahil sa ‘di maitatangging sabwatan ng estado, dambuhalang merkado at sunud-sunurang mga unipormado.
🎟️ PHP 200.00
🎞️ SUN, 30 SEP 2018, 05:00PM


9. Madilim ang Gabi – 6️⃣
2017 🇵🇭 Adolfo Alix Jr.

Nasa POV ng mga durugista ampelikula. Ang mahabang eksena nang paulit-ulit na paghahanap ng mag-asawa (Gina Alajar at Philip Salvador) sa anak nilang si Alan (Felix Roco) ay alegorya nang paulit-ulit ding patayan sa Pilipinas dahil sa mas pinatinding Oplan Tokhang ng pasistang rehimen ni Digong. Ekselente ang papel ng ibinebentang trapo (cleaning rag) ng mag-asawa na nagsisilbing casing ng mga sachet ng droga na maihahambing sa tradisyonal na politiko (trapo) at mga nasa kapangyarihan bilang mga protektor. Mapapansin din ang “Duterte” wristband ni Alajar na premonisyon ng tokhang o posas ng malagim na kamatayan. 
🎟️ PHP 200.00
🎞️ SUN, 30 SEP 2018, 01:30PM


10. Ang mga Alingawngaw sa Panahon ng Pagpapasya – 🔟
2013 🇵🇭 Hector Calma

Epektibo ang mga dayalogo sa pelikula gaya na lang ng dugtungang linya nina Karl Medina at Alessandra De Rossi sa ginawang tula ng huli: “Hubad na katotohanan, / sagad na kasamaan, / kurakot na kamag-anakan / sandamakmak na kababawan / niyurakang karapatan / hatid ay kamatayan.” Napapanahon ang pelikula lalo na’t fucked up pa rin naman ang gobyerno. Paulit-ulit. Paikot-ikot. Nagpalit lang ng panahon pero hindi ng senaryo. Sinusugan ito ng linya ni De Rossi nang tanungin s’ya ni Medina kung si Ninoy na ba ang papalit kay Makoy: “Kahit sino namang pumalit sa kanila, ke Marcos pa ‘yan o Aquino, basta kauri n’yang mga panginoong may lupa, burgesyang komprador o kapitalista, wala rin namang mangyayari… Alam mo naman dito sa Pilpinas, oligarkiya ang namamayani.” B&W ang pelikula na metikuloso at may eleganteng sinematograpiya na akmang-akma sa milieu ng pelikula. Tulad ng mensahe nito, makapangyarihan ang mga huling eksena lalo na nang salagin ni Medina ang hampas ng pulis, sabay tugtog ng kantang “Papuri sa Sosyalismo”: “Hindi tayo titigil hangga’t ‘di nagwawagi / Ang ating mithiing magkapantay-pantay / Walang magsasamantala, walang mang-aapi / ‘Yan ang sandigan ng ating pamumuhay.”
🎟️ PHP 150.00 
🎞️ SUN, 23 SEP 2018, 01:30PM
(Film Set: Potraits of Mosquito Press / Signos)


OTHER FILMS:

1. Eskapo
1995 🇵🇭 Chito Rono

🎟️ PHP 200.00
🎞️ SUN, 23 SEP 2018, 09:00PM
🎞️ THU, 27 SEP 2018, 06:00PM
🎞️ SUN, 30 SEP 2018, 09:00PM


2. Ginoong Maria
2018 🇵🇭 Jon Red

🎟️ PHP 200.00
🎞️ WED, 26 SEP 2018, 08:30PM


3. Insiang
1976 🇵🇭 Lino Brocka

🎟️ PHP 200.00
🎞️ SAT, 22 SEP 2018, 06:00PM
🎞️ FRI, 28 SEP 2018, 07:30PM


4. Ka Oryang
2011 🇵🇭 Sari Lluch Dalena

🎟️ PHP 200.00
🎞️ SAT, 29 SEP 2018, 01:30PM


5. Moral
1982 🇵🇭 Marilou Diaz Abaya

🎟️ PHP 200.00
🎞️ SAT, 29 SEP 2018, 04:00PM


6. Alaala: A Martial Law Special (The Boni Ilagan Story)
2017 🇵🇭 Adolfo Alix Jr. 

🎟️ FREE
🎞️ FRI, 21 SEP 2018, 07:30PM
(Film Set: Multo ng Nakaraan)


7. Maliw
2013 🇵🇭 Rob Jara


8. Multo ng Nakaraan
2005 🇵🇭 Howie Severino

🎟️ FREE
🎞️ FRI, 21 SEP 2018, 07:30PM
(Film Set: Alaala: The Boni Ilagan Story)


9. Oliver 
1983 🇵🇭 Nick Deocampo


10. Portraits of Mosquito Press
2015 🇵🇭 JL Burgos
🎟️ PHP 150.00 (Film Set: Ang mga Alingawngaw sa Panahon ng Pagpapasya / Signos)
🎞️ SUN, 23 SEP 2018, 01:30PM


11. Signos
1983 🇵🇭 Mike de Leon

🎟️ PHP 150.00
🎞️ SUN, 23 SEP 2018, 01:30PM 
(Film Set: Ang mga Alingawngaw sa Panahon ng Pagpapasya / Portraits of Mosquito Press)


Itutuloy…

41833385_2185865331660036_4538669757624221696_n

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s