Cinemaddict: Sep 2018 Film Log (Part 1)


1. 버닝 (Beoning) / Burning –  🔟
2018 🇰🇷 Lee Chang-dong

Umiistayl effigy ang buong pelikula na simbolikong sinusunog ng direktor upang masining na itampok ang patay-sinding tunggalian ng uri sa lipunan. Signipikante ang magkabilaang euphoria-dysphoria sa parteng ilang beses na nagsalsal si Lee Jong-su (Yoo Ah-in) habang nakatingin nang malayo sa labas ng bintana o nakatalikod sa kapareha, at ang chongke break sa labas ng bahay n’ya na nakatirik sa DMZ ng South Korea o demilitarisadong sona kung sa’n sabog na naghubad, sumayaw at umiyak si Shin Hae-mi (Jeon Jong-seo) sa harap ng naghihingalong araw habang unti-unting lumalayo sa kanya ang pokus ng kamera papunta sa bundok ng North Korea. Sa huling mga eksena, mistulang fourth degree burn ang lalim ng limang minutong one long shot, manhid na dahil tagos hanggang buto ampelikula. Ito na marahil ang alegorya ng isang arsonista, hindi si Ben (Steven Yeun) bilang burgis na bisita, kundi si Lee at ang obra maestrang protesta.


2. Goyo – 8️⃣
2018 🇵🇭 Jerrold Tarog

Hindi sila ang bida pero importante at interesante ang magkabilaang papel nina Mon Confiado (Emilio Aguinaldo) at Epy Quizon (Apolinario Mabini) sa historical biopic trilogy ng direktor na nakatakdang kumpletuhin ng Quezon. Litaw din ang pagtatambis at ang imperpeksyon sa karakter nina John Arcilla (Heneral Luna) at Paulo Avelino (Goyo) na mabisang pinagdugtong ng short film na Anghelito kung saan pinakamarkado pa rin ang papel at linya ni Art Acuña bilang si Manuel Bernal na nagsilbing konsensya ng batang heneral: “Ang pagkakaiba…ikaw, tapat ka sa idolo mo. Kaming mga pinatay at papatayin, tapat kami sa isang prinsipyo. Namatay si Luna na isang sundalong may paninindigan. Ikaw, pumapatay lang dahil sa utos. Hindi ka sundalo, Goyo. Isa kang aso. Tahol, Goyo. Tahol!”


3. 浮城謎事 (Fu cheng mi shi) / Mystery – 7️⃣
2012 🇨🇳 Lou Ye

Lagapak at hindi patak ang bagsak ng ulan sa mga eksena na tumerno sa walang pakundangang likot ng kamera. Mabisa itong lumikha ng ‘di komportableng pakiramdam tulad ng kabit-kabit na trahedyang dinaranas ng mga sentral na tauhan sa miserableng sitwasyon ng kanilang relasyon.

⊗⊗⊗

Itutuloy…

PhotoGrid_1536466860241

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s