Cinemaddict: Aug 2018 Film Log


1. 수상한 그녀 (Su-sang-han geu-nyeo) / Miss Granny – 7️⃣
2014 🇰🇷 Hwang Dong-hyuk

Dodgeball. Nagbukas ampelikula nang inihahalintulad sa mga uri ng ball game ang isang babae. Magaan ang daloy ng naratibo. Sablay lang talaga ‘yung parteng sinasaway ang apo sa pagkanta ng heavy metal dahil music daw should touch people’s heart not the ears. Nge. Spoiler nga pala ‘yung trailer ng bersyon ni Joyce Bernal na una kong napanood dahil madali mahulaan ang mga kasunod na mangyayari sa mga eksena.


2. Miss Granny – 7️⃣
2018 🇵🇭 Joyce Bernal

Wala pang isang araw nang panoorin ko ang original at bigay na bigay ang trailer ng remake kaya pamilyar na ang mga kasunod na eksena. Gayunpaman, karismatiko ang pagganap ni Sarah Geronimo bilang batang Nova Villa kaya masarap pa rin sa mata at tenga ampelikula. Epektibo ang paggamit ng orihinal na kantang “Isa Pang Araw” pagkatapos maaksidente si James Reid. Overall, matapat naman ang adaptation ni Bernal maliban nga lang sa mga tinanggal na eksena sana nina Geronimo at Xian Lim na matingkad sa orihinal na bersyon.


3. Crazy Rich Asians – 7️⃣
2018 🇵🇭 Jon Chu

Laspag na ang banghay nampelikula pero epektibo naman ang simbolikong mahjong scene nina Rachel (Constance Wu) at Eleonor (Michelle Yeoh) na umiistayl compass ang pwesto. Bukod kay Yeoh, pinakamemorable ang pagganap ni Awkwafina sa papel na Goh Peik Lin na lumabas din pala sa Ocean’s Eight. Mabigat ang salitang ‘Asian’ sa title nampelikula at kinukuwestyon ang naging representasyon ng napakalawak na etnisidad ng mga Asyano, pero magandang pa ring tingnan sa aspetong matagumpay na all-Asian cast ampelikula na posibleng lumikha ng mas maraming lead role sa Hollywood.


4. The Hows of Us – 7️⃣
2018 🇵🇭 Cathy Garcia-Molina

Perstaym ko manood ng Kathniel film. Sentral ang bahay (house) sa naratibo nampelikula na word play (homophone) ng salitang Hows sa title. Nasa mga unang bahagi agad ang intensidad ng mga eksena kung paanong pilit nilang isinasalba ang relasyon na mabisang ginampanan ni Kathryn Bernardo kaya nalaylayan na ko sa kalahatian, lalo na sa mga pilit na eksena sa Amsterdam. May parte pala sa pelikula na ewan kung naduling lang ako dahil sa disconnection notice ng Meralco na Tagaytay ang nakalagay samantalang may naunang eksena naman ng Pahiyas Festival (Lucban, Quezon) ang ginanap sa naturang bahay.

PhotoGrid_1535866999583

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s