Kapista o Kapitalista?: Lagom ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2018


Dal’wang araw pa lang nang matapos ang Cinemalaya kaya medyo groggy nang um-attack sa opening ng 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP). Bago ‘to, maagap na nag-imbita ‘yung isang official entry kaya pito na lang ang pinaglaanan ng badyet. Hindi ko kasi ugaling mag-ulit nampelikula. Masakit sa bulsa. 

IMG_20180810_200657

Biglaan lang na nakapunta ako sa opening ng PPP dahil sa imbitasyon ng isang kakilala na nagkataon namang ginanap sa Samsung Hall ng SM Aura. Ilang hakbang lang ang mall sa opis namin kaya dumiretso ako ro’n nang mag-uwian.

Konti (na) lang ang tao nang dumating ako. Weekday kasi? At nakakapanghinayang na ‘di halos naibalita ang opening film. Invitational man o hindi, wala man lang post maski sa Facebook page ng PPP na ampelikula pala ng National Artist nating si Lino Brocka ang magbubukas ng festival.

IMG_20180814_202414_384

OPENING FILM:

1. White Slavery – 9️⃣
1985 🇵🇭 Lino Brocka

Ampalabas ay mistulang dokumentasyon ng pwersahang prostitusyon sa tatlong probinsyanang iniluwas pa-Maynila na premyadong ginampanan nina Jaclyn Jose, Sarsi Emmanuelle at Emily Loren. Naka-angkla ampelikula sa Maynila sa mga Kuko ng Liwanag na sumentro naman ang kwento sa binatang nakipagsapalaran sa Maynila upang hanapin ang kasintahan na biktima ng white slavery.

* * *

Pinalabas na no’ng 2017 ‘yong anim na premyadong pelikula sa espesyal na seksyon ng PPP. Galing at nanalo ang mga pelikula sa iba’t ibang filmfest sa Pilipinas kaya sobrang nakakapagtaka na binigyan ng Cinema Evaluation Board (CEB) ng Zero Rating ang dalawang pelikula sa seksyong ito. Nagmuk’a ring saling-kitkit ang mga pelikula dahil sa ‘di maayos na distribusyon kung sa’n halos siksikan sila sa isang sinehan sa kakaunting mall hanggang sa unti-unti nang mawala sa ibang lugar nang tumatakbo na ang festival.

SPECIAL SECTION:

1. Kiko Boksingero – 9️⃣
2017 🇵🇭 Thop Nazareno

Payak pero tiyak. Suntok sa dibdib ampelikula sa mga ulila na o may isyu sa pamilya. Mabisa kahit pahapyaw na naisingit sa aralin ng mga bata ang tungkol sa kolonyalismo at sa linya nambatang bidang si Noel Comia Jr. na pangarap n’yang maging boksingero pero hindi maging isang senador. 


2. Balangiga: Howling Wilderness – 9️⃣
2017 🇵🇭 Khavn

Bangungot ang pagtulog at paggising sa gitna ng gera. Mata ng batang si Kulas ang nagsisilbing paragos ng kwento na markadong ginampanan ni Justine Samson kasama ang lolo (Pio del Rio) at napulot niyang bata (Warren Tuano) habang umeeskapo sa mga kolonyalistang Kano dahil sa “Kill & Burn” order ni Heneral Smith sa Samar no’ng taong 1901. Sirang plaka ampelikula ng kasaysayan bilang kalakhan ng populasyon ng Pilipinas sa kasalukuyan ay binubuo ng bata na isa pinakabulnerableng sektor ng lipunan.


3. Gusto Kita With All My Hypothalamus – 8️⃣
2017 🇵🇭 Dwein Baltazar

The science of love. Ramdam ang mga lukot at lungkot sa mga pasikot-sikot ng Maynila dahil sa mabisang sinematograpiya ni Neil Daza habang dinadalaw-dalaw ang apat na lalaki ng misteryosang musa ng pagnanasa.


4. High Tide – 7️⃣
2017 🇵🇭 Tara Illenberger

Hibas (low tide) papuntang taib (high tide) ang timpla nampelikula habang nakalutang ang importansya ng bakawan dahil sa isyu ng pagbabago sa klima.


5. Tu Pug Imatuy / The Right to Kill – 7️⃣
2017 🇵🇭 Arnel Barbarona

Eksaminasyon ampelikula sa iba’t ibang porma nang pagpatay mula hayop hanggang tao. Hanggang ngayon, napapanahon ampelikula bilang nagpapatuloy ang inhustisya sa mga kapatid nating Lumad sa Mindanao at ang kultura ng impunidad sa kalakhan dahil sa ‘di maitatangging sabwatan ng estado, dambuhalang merkado at sunud-sunurang mga unipormado.


6. Paki – 6️⃣
2017 🇵🇭 Giancarlo Abrahan

May mga seryosong eksenang bigla kang matatawa ta’s bigla kang hihinto, mahihiya dahil simpatiya at ‘di tawa ang kelangan ng mga karakter, partikular sa ginagampanan nina Dexter Doria at Noel Trinidad. Kabaligtaran ng Dagitab ng direktor na nagustuhan ko, resolbado naman ako sa kabuuan nampelikula pero hindi ko lang talaga natipuhan.


* * *

Walo ang opisyal na entries ngayong taon base sa hindi malinaw na biglaang pagbabago ng ruling ng PPP kung saan bawal na ang mga pelikulang naipalabas na sa ibang festival. Samantala, tulad ng nakaraang taon, palabas pa rin ang mga banyagang pelikula. Taliwas ito sa mandato ng PPP na tanging mga pelikulang Pinoy lang ang palabas sa kasagsagan ng festival. 

OFFICIAL ENTRIES:

1. Signal Rock – 8️⃣
2018 🇵🇭 Chito Roño

Napaka-grounded nampelikula pero iba pa rin ‘yung epek ng Badil ng direktor. Mahirap kalimutan si Barbs sa Die Beautiful pero epektibong nagampanan ni Christian Bables ang karakter ni Intoy bilang tropa ng buong taga-isla kung sa’n sentral ang gasangan (batuhan sa may dagat) sa naratibo nampelikula dahil dun lang sila nakakagamit ng selpon. Natatangi ang karakter ng Ate Vicky ni Intoy na interesanteng binosesan ni Judy Ann Santos. 


2. Bakwit Boys – 7️⃣
2018 🇵🇭 Jason Paul Laxamana

Isa sa dalawang entries ng direktor sa Pista ng Pelikulang Pilipino kung sa’n sumentro ang kuwento sa magkakapatid na nag-bakwit (evacuate) sa bahay ng Lolo nila sa Pampanga dahil sa matinding bagyong tumama sa Isabela. Medyo baguhang artista ang mga pangunahing tauhan pero maayos naman ang pagganap, pagkanta, lalo na nina Vance Larena at Devon Seron. Hindi ko lang talaga nagustuhan ‘yung revolutionary tax scene.


3. The Day After Valentine’s – 7️⃣
2018 🇵🇭 Jason Paul Laxamana

Nakuha agad ang atensyon ko dahil sa absurdong eksena sa simula na parang may pampasiglang bilang si Lani (Bela Padilla). Sugat ambuong pelikula na laging nasasagi, kumikirot, umaantak, lalo na sa parteng nakaharap na n’ya ang kapatid n’ya (Jordan Castillo).


4. Madilim ang Gabi – 6️⃣ 
2017 🇵🇭 Adolfo Alix Jr.

Nasa POV ng mga durugista ampelikula. Ang mahabang eksena nang paulit-ulit na paghahanap ng mag-asawa (Gina Alajar at Philip Salvador) sa anak nilang si Alan (Felix Roco) ay alegorya nang paulit-ulit ding patayan sa Pilipinas dahil sa mas pinatinding Oplan Tokhang ng pasistang rehimen ni Digong. Ekselente ang papel ng ibinebentang trapo (cleaning rag) ng mag-asawa na nagsisilbing casing ng mga sachet ng droga na maihahambing sa tradisyonal na politiko (trapo) at mga nasa kapangyarihan bilang mga protektor. Mapapansin din ang “Duterte” wristband ni Alajar na premonisyon ng tokhang o posas ng malagim na kamatayan. 


5. Ang Babaeng Allergic sa Wifi – 5️⃣
2018 🇵🇭 Jun Lana

Mahina ang naging pagkonek ko sa kwento maliban sa signipikanteng karakter ni Margaux (Adrianna So) na nagpapakalat ng fake news tungkol kay Norma (Sue Ramirez). ‘Yan kasi ang totoong first name ni Mocha Uson.

6. Pinay Beauty: She’s No White – 4️⃣
2018 🇵🇭 Jay Abello

Eto ‘yung pinaka-inaabangan ko sa festival dahil sa impresibong title, trailer at poster. Sayang lang na hindi yata maayos ang eksekyusyon ng kwento at biswalisyasyon ng konsepto tungkol sa pagiging kontento.


7. We Will Not Die Tonight – 4️⃣
2018 🇵🇭 Richard Somes

Hindi kami nag-swak ngayon ni Somes. Ok sa ‘kin ‘yung huli n’yang dalawang pelikula na El Peste at Historiographika Errata (‘di ko napanood ‘yung Cry No Fear) na kabaligtaran nitong pelikula dahil hindi ko matanggap ‘yong ideya na dahil lang hindi sumama ‘yung grupo ni Alex Medina sa grupo ni Paolo Paraiso; e, magpapatayan na sila at dun na lang iikot ang malaking porsyento nampelikula. 


8. Unli Life – 3️⃣
2018 🇵🇭 Miko Livelo

Ayronikong inantok-antok ako dahil komedi ampelikula. Hindi sa ‘kin benta ‘yung mga linya. Buti na lang, bawi naman sa disenyong pamproduksyon. 


 

DIRECTOR
1. Chito Roño (Signal Rock)
2. Jason Paul Laxamana (Bakwit Boys)
3. Jun Lana (Ang Babaeng Allergic sa Wifi)

SCREENWRITER
1. Rody Vera (Signal Rock)
2. Jason Paul Laxamana (Bakwit Boys)
3. Jun Lana (Ang Babaeng Allergic sa Wifi)

ACTRESS
1. Bela Padilla (The Day After Valentines)
2. Gina Alajar (Madilim ang Gabi)
3. Sue Ramirez (Ang Babaeng Allergic sa Wifi)

ACTOR
1. Christian Bables (Signal Rock)
2. Philip Salvador (Madilim ang Gabi) 
3. Vance Larena (Bakwit Boys)

SUPPORTING ACTRESS
1. Devon Seron (Bakwit Boys)
2. Daria Ramirez (Signal Rock)
3. Angelie Sanoy (Ang Babaeng Allergic sa Wifi)

SUPPORTING ACTOR
1. Nanding Josef (Bakwit Boys)
2. Joel Saracho (Signal Rock)
3. Nanding Josef (Signal Rock)

EDITOR
1. Carlo Manatad (Signal Rock)
2. Mai Calapardo (Bakwit Boys)
3. Maynard Pattaui (Ang Babaeng Allergic sa Wifi)

CINEMATOGRAPHER
1. Neil Daza (Signal Rock)
2. Tey Clamor (Ang Babaeng Allergic sa Wifi)
3. Alex Spartero (We Will Not Die Tonight)

PRODUCTION DESIGNER
1. Ericson Navarro (Unli Life)
2. Donald Russ Camon, Julius Somers, Richard Somes (We Will Not Die Tonight)
3. Maulen Fadul (Ang Babaeng Allergic sa Wifi)

SOUND DESIGNER
1. Albert Michael Idioma (Signal Rock)
2. Andrew Millalos (Pinay Beauty)
3. Albert Michael Idioma (The Day After Valentine’s)

MUSICAL SCORER
1. Paulo Protacio (Bakwit Boys)
2. Emerzon Texon (Ang Babaeng Allergic sa Wifi)
3. Francis de Veyra (We Will Not Die Tonight)

POSTER
1. Justin Besana (Bakwit Boys)
2. Justin Besana (Signal Rock)
3. Justin Besana (Unli Life)

TRAILER
1. Pinay Beauty: She’s No White
2. The Day After Valentine’s
3. Madilim ang Gabi

TITLE
1. Pinay Beauty: She’s No White
2. Bakwit Boys
3. Madilim ang Gabi

IMG_20180815_085708_931

39203162_10211884306166271_1999956679638122496_n

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Masarap manood nampelikulang Filipino kahit magastos manood sa sinehan lalo na kung idadagdag sa presyo ng tiket, ang pamasahe (buti, tamad ako mag-Grab) at pagkain (buti, iniisip kong dapat mag-diet.). Tsamba lang na may pultaym akong day job kung kaya medyo nakakaya pa namang tustusan ‘yung droga kong manood.

Kapista ang pinausong tawag ngayon ng mga taga-Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa mga manonood ng PPP. Masarap sa tenga. Tipong imbitado ka, hindi gatecrasher. Pero hindi pwedeng kalimutan na ang biglaang pagsulpot ng unang PPP no’ng 2017 ay kasabay rin ng pagbabalik ulit ng mas komersyalidong tipo ng Metro Manila Film Festival (MMFF) no’ng 2017 na maaalalang nagbagong-bihis na no’ng 2016.

Huling araw na ngayon ng festival at sana humabol kayong manood dahil babalik na ulit bukas ang malaking porsyento ng mga komersyal na pelikulang banyaga o galing sa mga dambuhalang studio/producer dahil ito ang dikta ng mga kapitalista. Naalala ko na naman tuloy ‘yung isa pang PPP o Public-Private Partnership na una ko nang nabanggit sa personal kong seleksyon ng 27 Best Pinoy Films of 2017.

Malaki pa rin amproblema natin sa aksesibilidad ng mga pelikulang lokal, lalo na ‘yung pinondohan ng mga maliliit na prodyuser. Mahalagang itanong kung ano ba talaga ang esensya ng eksistensya ng PPP at kung kaninong interes ba talaga naglilingkod ang FDCP: Sa mga kapista ba o sa mga kapitalista?

May dapat na panigan sa pagitan ng tunggalian. 

Longlib!

⊗⊗⊗

KLIK TAYO:

  • Ang mga larawan ay kuha ni Ronald Rios.
  • Maliban sa unang larawan na dekwat sa Twitter ni Manuel Pangaruy.
  • May komprehensibo nga palang argumento si Arnel Mardoquio sa PPP. 
  • At alamin kumbakit iláng makipista si Gian Carlo Abrahan.
  • S’yempre, basahin din ang love letter ni Khavn De La Cruz sa CEB.

 

One response to “Kapista o Kapitalista?: Lagom ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2018

  1. Pingback: Aparato ng Estado: Lagom ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 | Arkibero·

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s