Alopecia


Hinahawi tayo,
hi-
na-
ha-
ti
ng mga rumaragasang bus
sa tuwing sinusuyod natin
ang ilalim ng istasyon ng tren.

Araw-araw,
nahahagip natin ang isa’t isa:
dilat, unat,
kunot, kulot;
hindi mapakali,
mga paang nagmamadali.

Pero isang araw,
walang ikaw
maliban sa sigaw,
hiyaw,
bulyaw
at palahaw.

Nakilala kita agad,
hindi sa muk’a mong tumambad
kundi sa buhok mong nakaladlad.
Naglalakad
lang
nang
nakaladkad.

Untitled.png

Sa ilalim ng MRT Ayala EDSA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s