Nawawala, Lumilitaw


Nawala ‘yung selpon at salamin ko sa mata. Kulang sa isang linggo lang ampagitan.

‘Yung selpon nalaglag sa RRCG Transport Bus no’ng atrese ng Disyembre, tapos ‘yung salamin naiwan ko sa Jollibee Telus Ayala pagkatapos ko tsumibog no’ng isang araw.

Tulalang nanghina(yang) ako no’ng malaglag sa bulsa ko ‘yung selpon. Nine months old pa lang kasi ‘yun at lampas sa singkwenta porsyento pa ang bubunuin ko para mabayaran ‘yun nang buo. Siguradong-sigurado akong nalaglag ‘yun sa inupuan ko eksaktong pagtayo ko para bumaba kaso hindi ko na nahabol ‘yung bus nang humarurot na pasibat ng MOA.

No’ng isang araw naman, pagkatapos bumaba sa BGC bus, dumaan ako sa High Street at napadaan sa tindahan ng shades. Habang nagsusukat, napakapa ako sa bulsa ng polo ko at nagulat ako na wala na ro’n ‘yung salamin ko.

Kinagabihan pagkatapos mawala no’ng selpon, tumawag ‘yung katrabaho ko na tumawag daw sa kanya ‘yung taga-ticketing ng bus na nasakyan ko. Isinauli n’ya ‘yong selpon ko sa SMX Convention, eksaktong year-end party namin kaya para na rin akong nanalo kahit ‘di ako nabunot sa sandamakmak na pina-raffle.

Binalikan ko naman ‘yung salamin ko kahapon bago pumasok sa trabaho at tsamba ring naitabi rin nila ‘yung salamin kaya hindi ako nagmuk’ang bulag kahapon sa trabaho.

Ulyanin. Ayoko na nang strike 3. Kaya ito, habang pababa ulit sa bus, kinakapa-kapa ko sa bulsa ng pantalon ko ‘yung selpon at ‘yung salamin sa bulsa ng polo ko. Andun naman sila. ‘Wag daw mag-alala; nagpapaalala.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s