Paliguy-ligoy


Bantulot pa ako no’ng una kung ipapasa ko ba ‘to at papasa ba ‘to sa Punong Patnugot ng Ang Diaryo Natin (ADN). Unang kolum ko kasi ‘to, ‘pag nakalusot, sa ADN kung saan sa mga panahon at pagkakataong ito ay hindi pa rin ako isandaan porsyentong resolbado sa magiging istilo o ng lingguhang lalamnin ng kolum.

Mahirap magsimula. Sa katunayan, parang nabablangko, nauubusan agad ako ng sasabihin. Maski noon pa naman kasi; e, hindi na talaga ako sanay sa mahabaang pagsusulat. Siguro, kung may mahaba man akong naisulat dati; e, dahil hindi ko alam kung pa’no paiksiin ‘yon. Pero wala talaga akong maalala na nagsulat ako nang mahaba. Ang naaalala ko lang; e, no’ng nasa elementarya at hayskul pa lang ako—no’ng panahong ang pinakatungkulin ata ng mahahalal na sekretarya ng klase ay mamuti ang kamay sa yeso o tsok dahil sa maghapong paglilipat ng buong laman ng libro sa pisara na kokopyahin naman namin (ng buong klase) sa kanya-kanyang kwaderno dahil hindi palalabasin ng titser kapag walang naipakitang sulat o hindi natapos ang pagsusulat.

Okidoks, hindi ko talaga alam kung marami akong maibabahagi sa inyo. Sa dami kasi ng materyal sa paligid na maaari mong isulat; e, andami mong natitipuhan at humahantong ka sa pagkalunod sa mga ideya. Ang ending tuloy: hindi ka na lang magsusulat kaya talo ka!

At kaya ako nagsulat ngayon; e, dahil hindi ako nagpatalo. Naks! Siguro naman, dahil nagawa ko na dati; e, kaya ko ulit ngayon. Ilang buwan din kasi akong natengga sa pagsusulat dahil mas nahumaling ako sa paglalapat o pag-le-layout. Pero kaartehan lang s’yempre ‘yon. Mas tamang sabihin kasing nagpatalo ako sa katamaran.

Sa ilang buwan kong pag-le-layout ng ADN, isang beses pa lang ako nakakita ng rebyu (book review) bilang kolum. Kaya gano’n na lang siguro muna ang laging lalamnin ng kolum ko—puro rebyu ng kung anu-ano. At bilang unang sargo, magsusuring-basa ako ng isang dyurnal ng mga maiikling kuwento sa susunod na linggo. ‘Yon ay kung papasa ‘yong kolum na ‘to at ‘yong sa susunod na linggo. Sa ngayon, lalakasan ko muna ang fighting spirit ko na malimbag ‘to at ang mga inaasahang parating kong kolum. Kung magkakatotoo, sana mapangatawan ko na ang lingguhang pagsusulat. Magandang disiplina raw ‘yon para ‘di mangalawang. At muk’ang maganda atang panindigan na. Ngayon, alam ko na tuloy ang New Year’s Resolution ko. Kayo ba?

* * *

Bisitahin ang http://www.facebook.com/arkibero para ma-digs ang kunwaring etimolohiya ng Arkibero. Salamat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s