Sa Ngalan ng Karapatan at Wastong Pagtalima: Paghahanap sa “Bibliya” ng SangkaSLSUhan


Hangad ay karunungan at mga kasanayan upang madaling makakuha ng trabaho pagdating ng takdang panahon, pinipilit ng mga magulang natin na makapagtapos tayo ng pag-aaral sa kabila ng kaliwa’t kanang krisis na kinahaharap ng bansa. Mabuti na lamang daw at sa isang pambansang pamantasan o state university tayo nag-aaral—may mababang singil sa tuition dahil subsidized daw ng gobyerno bagama’t sumasagitsit naman diumano ang ilang mga hindi maipaliwanag na bayarin at ang komersyalisado, kolonyal at pasistang katangian ng edukasyon sa Pilipinas. Pero teka muna, bago pa raw humardcore ang usapan, ilang taon na nga ba ang nakalipas mula nang ang dating SLPC ay maging SLSU?

Ika-17 ng Marso, 2007 nang ideklara ang dating Southern Luzon Polytechnic College bilang isang unibersidad at tawaging Southern Luzon State University sa bisa ng Republic Act 9395, sa ilalim ng rehimen ni Gloria Macapagal-Arroyo. Kaakibat ng pagiging ganap na unibersidad nito, maraming mga pagbabago ang kinakailangang sumabay sa hakbang na ito tungo sa pag-unlad. Isa na rito ay ang matagal ng kawalan ng Student Handbook ng bawat estudyante nito.

Ayon sa Commission on Higher Education (CHEd), ang bawat pamantasan o kolehiyo ay kinakailangan na magkaroon ng Student Handbook (SH) na kung saan ay ito ang magiging batayan ng mga alituntunin at tungkulin na dapat sundin ng mga mag-aaral na pumapasok dito. Ito ang magsisilbing bibliya ng mga mag-aaral sa kung ano ang tama at mali sa loob ng pamantasan. Ito rin ay magagamit natin sa oras na tayo ay mapunta sa isang sitwasyon na alam nating tayo ang tama ngunit pinangingibabawan ng mali. Naglalaman ang SH ng mga academic policies, social norms, student code of ethics, SH implementing guidelines at iba pang may kaugnayan sa karapatan at responsibilidad ng isang mag-aaral sa loob ng unibersidad. Nagsisilbi itong pananggalang at mabisang gabay sa porma ng isang libro, upang maging aksesibol sa tulad nating mga napapailalim sa isang komunidad na may sariling mga batas na pinaiiral.

Hinanapan ng kasagutan ng publikasyong The Spark ang mga katanungan kaugnay ng kawalan ng SH sa unibersidad. Nakapanayam namin si Prof. Marissa Cadao, Dean of Student Services, noong ika-3 ng Mayo 2012 upang bigyang-linaw ang mga isyu sa likod ng SH.

Ayon sa kanya, bago ma-i-release ang SH ng unibersidad ay sumasailalim muna ito sa mga mabusising proseso. Dumaraan muna ito sa critiquing, mahusay na pag-aanalisa at ilang mga revisions. Taong 2010, matapos ang panunungkulan ni Prof. Veronica Ladines bilang Dekana ng OSS, natapos ang isang amended Student Handbook subalit marami pa rin dito ang mga nakitang dapat isaayos, lalo’t higit ay sa bahagi ng Academic Policies na tumutukoy sa mga patakaran kaugnay ng pamantayan sa pagbibigay ng grado sa mga mag-aaral, mga tungkulin ng mag-aaral na enrolled sa isang sabdyek, pagda-drop at marami pang iba. Sa mga sumunod na pagpupulong ng Administrative Committee (AdCo), muling iniharap ang amended SH at sa ikaapat na pagkakataon, buhat nang pumalit sa puwesto si Prof. Ca-dao, muli na naman itong nakatanggap ng mga suhestiyon at pagbabago para sa ilang bahagi.

Sa oras na matapos ang mga revisions, aniya, magkakaroon ng dalawang paraan ang mga mag-aaral upang magkaroon ng sari-ling kopya nito: (1) Adobe Portable Document Format (pdf) na downloadable mula sa website ng SLSU (www.slsu.edu.ph); at (2) para sa mga nagnanais ng printed copy, magiging available ito sa SLSU Bookstore na nasa loob ng kampus. Subalit sa ngayon ay nananatili pa rin itong hindi pinal dahil sa kinukunsidera pa rin kung ito ay isasama na lamang sa Miscellaneous Fee na babayaran sa enrolment at nang sa gayon ay magkaro’n ng kopya ang lahat ng mga estudyante rito.

“Nasa transition period pa kasi tayo from a college to a state university kaya hindi pa masyadong smooth ang flow ng processes,” paliwanag ni Prof. Cadao.

Sa kasalukuyan, may na-i-release na Student Code of Conduct and Discipline su-balit ito ay hindi nagtataglay ng lahat ng mga nararapat na makita sa isang SH at tanging mga freshmen at ilang sophomores pa lamang ang may kopya nito.

Inamin naman ni Jericho Desembrana, kasalukuyang pangulo ng Supreme Student Council Federation (SSCF), na sadyang mabagal ang ilan sa mga proseso sa mga pampublikong pamantasan.

Samantala, katulad ni Prof. Cadao, hinihikayat niya ang mga mag-aaral na huwag matakot mag-voice out ng kanilang mga hinaing at lumapit sa mga kinauukulan hinggil sa kanilang mga concerns.

“Sa mga students, siguro bago tayo mag-react, alamin muna sana natin ‘yong mga dahilan. Magtanong….‘Yong iba kasi, ma-galing silang mag-react pero ‘yong ’pag magtatanong na, nahihiya na sila. So, sana maging open tayo kung ano ‘yong mga nangyayari. Iba kasi kapag aware ka sa lahat ng nangyayari sa university,” pagdaragdag pa niya.

Habang isinusulat ang artikulong ito, hindi pa rin nabibigyan ng pagkakataon ang The Spark na makapanayam ang bagong Dean ng OSS na si Prof. Nilo Dator para sa kanyang panig subalit patuloy pa rin kaming nakikipag-ugnayan hinggil sa isyung ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s