Tae. Tao. Tayo.


Column Title: SchiZOO

PASINTABI.

Parang utot lang—
hindi mo man makita, 
sana, maamoy mo.

* * *

Mas malabo pa siguro sa tubig ng poso-negro at hindi na-flush na inidoro kung magiging sentro ng ating argumento ang tunay na causa ng eksistensya ng tao.

Gan’to raw kasi ‘yon: Kung tititigan mo nang maigi at dudukutin ang kailaliman nito, malamang sa malamang; e, sangkaterbang nagkakarambolang dikit-dikit at putul-putol na elemento (microscopic,ga-kulangot, sakto lang at ga-tubol) ang nakatakdang maging hadlang kung ba’t nga tayo nasa ibabaw nito, hindi lang ng inidoro (kasi ‘yong iba, walang banyo) kundi mas lalo sa tinatapak-tapakan nating lupa rito sa mundo.

Pero ang totoo kasi, diring-diri ka lang lagi at todo-takip pa ng ilong. Umaalingasaw na nga ‘yong problema sa sistema, sarado pa rin ‘yang utak mo. Sayang. Alam mo naman kasi sanang alam mo ‘yon. Kaso ang shit, sabi nga; e, hinding-hindi mo talaga bibigyan ng pagkakataong mahawakan.

Sa madali’t sabi: Duwag ka. At ang mas malala pa: Hindi mo man lang alam na hindi mo alam.

“EBAKit ba kasi kelangan ko pang intindihin ‘yang imperyalismo, piyudalismo, burukrata-kapitalismo at kung anu-ano pang ismo-ismo kung good lang naman AKO?” sabi mo, nang pader-sa-pader tayong maglabas ng sama ng loob minsang kumunsumo tayo ng 4.5 cup rice sa isa sa ganansiyadong restong binabalik-balikan mo.

“Simple.” Sabi ko sa ‘yo no’n bago ka nag-hugas-kamay at nagyabang ng success mo, “Parang gan’to lang: Kaya may TAE; e, dahil may TAO. At kaya naman may TAO; e, para may TAYO.”

* * *

I HOPE YOU DON’T MIND.

Sa Krapsikol 3.0 ko dapat ipasasalpak ‘tong article na ‘to; kaso nga lang, hindi ako nakapagpa-reserve ng espasyo. Kaya ayun, kaysa mangamoy, dito ko na lang iniri’t ‘nilabas sa dyaryong hawak mo.

* * *

CONSTIPATED CONSERVATISM.

Paktay! Kung hindi mo pala na-dig ‘tong kolum, uulanin ka ng tae at magmumuk’a kang tumbong.

One response to “Tae. Tao. Tayo.

  1. Pingback: “Atlantis” Selections: PMP’s 11th Issue (Lost in Translation Year, September 2014) | Arkibero·

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s