Hindi pa talaga s’ya kilala ng tatay n’ya. Kahapon kasi, hindi na s’ya nakaiwas nang magkaharap sila sa mesa ng tomahan dahil binyag ng pamangkin n’ya kaya nakapag-usap-ilang-lasing sila sa ilang mga bagay-bagay, buhay-buhay habang makailang-ulit na nilalagok ang pumapait na Red Horse at habang unti-unting nawawala sa tono sa salit-salitang paghawak ng mikropono.