Mabilis ang mga pangyayari
nang magmistulang laboratoryo
ang lavatory ng banyo
habang maulul-ulol kung inaantay ang euphoria
ng katuturok na ¹Bobby
sa nagluluksa kong brasong
namutla sa tampal at palo;
lima, sampung segundo
ang nakaraan.
Sa sepiang liwanag
ng sinasapot na bombilya,
masilaw-silaw kong inaninaw
ang rumi-rewind na paalala:
“Suck the shit
into the syringe, tap it
and squeeze a li’l bit
to get rid of air bubbles.
Then inject into arm…”
S A B O G ! ! !
—ang nagtalsikang laway
nang bumanat si Kanye West
sa kisame ng palikuran:
“Reach for the stars so if you fall,
you land on cloud.”
MATINDING KALUGURAN!!!
—ang paghinga ko nang malalim
nang biglang mapaluhod
at matukuran ang toilet flush
hanggang tumumbling ang utak ko,
up-side-down:
Nakadawdaw daw sa inidoro
ang kanan kong hintuturo
habang sumisirko ang umiikid na tining
sa nalilitong ipu-ipong tubig,
kung ka-clockwise o ka-counterclockwise
pailalim sa bukana ng naghahari-hariang mga bulati
at mga kiti-kiting wari ba’y kinikilatis
kung papapasukin ang mga duming
matagal ko ring inipon
sa umiimpis kong p’wetang
magtatatlong araw nang constipated!
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Published in Volume 2 of Paleta on 24 April 2012.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Published in Isyu 7: Tag-ulan 2012 | Asuang Issue of Paper Monster Press on 18 August 2012.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Thanks for the marvelous posting! I seriously enjoyed reading it, you happen to be a great author.I will remember to bookmark your blog and will come back in the future. I want to encourage yourself to continue your great posts, have a nice day!
LikeLike
Pingback: “ASUANG” SELECTIONS: PMP’s 7th Issue | schiZOO·