Marahil ay nakita n’ya
kung pa’nong nanginig ang aking mga kamay
habang tantyado kong sinasalin ang mainit na tubig
sa nakangangang tsupong walang laman.
Pilit ko s’yang nginitian
kapalit ng kalmado n’yang mga titig
—ebidensya ng ilang araw na pagdilat
sa pumapalahaw naming madaling-araw.