May ESPASYO [pa rin naman pala ‘ko] sa Dasma…


Tulad ng inaasahan, umikot nga ang baso para sa tinatagay-tagay na apat na dambuhalang bote ng Red Horse.

Ika-40 days noon ni Ti’o Pedro. At makalipas ang kulang-kulang tatlong oras; e, medyo umikot na rin ang paligid ko. Nakiramdam ako. Lalong naging sensitibo ang pakiramdam ko hanggang sa maalala ko ang isa sa mga balak ko ng araw na ‘yon (28 Disyembre 2010): kelangan kong makatakas sa init ng tanghali at lamig ng beer da’l susugod pa ko’ng Espasyo Siningdikato creatiVEnue na kapitbahay lang ng DLSU-D. Kukuha kasi sana ‘ko ng kopya ko ng Issue 2 ng Paper Monster Press (PMP) na ilang buwan na rin ang lumipas nang impormahan ako ni Ayn Dela Cruz (Ms. Ayn; isa sa busy-busyhan sa PMP) na nakapag-publish daw ulit ako sa kanila ng tula na may kung ilang linggo na ring nagkaro’n ng launching sa Cubao at UP Asian Center.

Sumakay kami ng traysikel, dal’wang oras bago mag-twilight. Tsinaperonan ako ni Ate. Baka nga naman gumulong ako sa kalsada kahit napakalabo da’l makapal ng ilang metro ang muk’a ko at napakalakas pa ng fighting spirit ko (parang iisa lang ‘yon?); sa may angkas pa kasi ako naupo. Whoa! 🙂

Senglot

At ‘yon na nga. Matapos ang ilang minutong hanapan; e, naispatan din ng drayber ang tinutumbok naming lugar. Tuwang-tuwa na sana ako kaso sarado na pala ang Espasyo ng mga oras na ‘yon! Kaya pinapiktyuran ko na lang ke Ate ang karatula ng gallery.

Ako ‘yang nakatalikod, nakakapit sa traysikel. Bwahaha! Sarado na ang Espasyo, nag-iinom kasi sila…kaya bukas pala ang likod?! Tae! 😀

Tinext ko si Ms. Ayn. Pati na rin ang ex ko, baka kasi magkakitaan kami kasi taga-Dasma rin s’ya. Good thing, nag-reply agad si Ms. Ayn na sa mismong bahay na lang daw nila ako dumiretso; bad shot, ‘di nag-reply si mK da’l late n’ya na ‘ata nabasa (naka-Globe na raw kasi siya…pero sinendan ko rin naman ng text ang Daddy niya kaya siguro niya nalaman? :)) Then humarurot na ulit ang traysikel na sinasakyan namin.

Hanapan session ulet. ‘Di naman kami nahirapan da’l pintor pala ang tatay ni Ms. Ayn at tsismosa ang mga kapitbahay nila kaya alaws-pawis naming nakaharap ang kanilang haws.

So kumustahan naman. Pers taym naming magkakitaan kaya alanganin kaming pumasok ni Ate sa bahay nila. Buti na lang tawawit si Ms. Ayn at inglesero ‘yong erpat niya, plus me amats ako kaya masaya at ‘di kami naubusan ng pag-uusapan. Titser na pala s’ya sa DLSU-D at ka-edad lang ni Ate kaya pati si Ate; e, mabilis n’yang naka-tsismisan. Wotwot!

Habang nanaid ng mga tira-tira nilang handa no’ng Pasko; e, ‘di ‘syempre, p’re, malilimutan ang piktoryal. Kaya kami muna ang mga bida:

Si Ate at Ako.

At s’yempre naman, bawal at napakabawal na makalimutan ang kopya ko ng PMP Issue 2 kung saan dal’wa ang inabot at pinabaon sa akin ni Ms. Ayn kaya dal’wa rin ang piktyur sa baba. 😀 Aniya, para raw sa fan o gf ko ‘yong isa. Sabog!

Ako at si Ms. Ayn, modelo ng Paper Monster Press Issue 2: Pyrotechnic Poetry 2! 🙂

    Isa pang sabog!

Isa pang one more. 🙂

Alaws palang piktyur ‘yong cool na erpat ni Ms. Ayn. Next taym na lang pag naispatan ko sa pagbisita ulet sa Dasma. He-he! Rakenrol!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s