PS: Please…’wag kang mag-i-email
- Buksan mo zipper mo; maglakad nang maglakad hanggang may makapansin nito.
- Dilaan mo kamay mo at makipag-apir sa makakasalubong mo.
- Maghagis ka ng piso sa bulsa ng titser mo at mag-wish ka: Uno, please, uno!
- Makipag-inom ka sa titser mo at kapag lasing na s’ya, utu-utuin mo.
- Punta ka kay Ate [Xerox]ann at magpa-photocopy ka ng papel na blangko.
- Umakyat ka ng 3rd floor at sumigaw ka ng “Sunog! Sunog! May sunog!!!”
- Habang nagdi-discuss ang prof n’yo, tumayo ka at sumigaw, “SHET! Ang galling n’yo!” With matching palakpak para epektibo.Maghanap ka ng taong nagbabasa sa bulletin board. Lapitan mo at basahin ang binabasa n’ya sabay tumawa ka nang malakas.
- Pa-photocopy mo nang madami ang reg. form mo at ipamigay sa lahat ng makakasalubong mo! (TIP: There are 2,264 COE studes)
- Tumambay ka kay Ate Mape (nagbabantay ng tindahan sa Eng’g Bldg.) at manghingi ka ng pagkain sa lahat ng bumibili.
- Pumunta ka ng The Spark Publication Office, pramis, me mangyayari sa’yo! At sure, masarap; hahanap-hanapin mo…
Kungnagawamonaanglahatngkungwalakangmagawarito, eto ang susunod mong dapat gawin: mag-isip ka pa ng iba pang dapat gawin kung wala kang magawa. Tapos, paki-email na lang sa thespark.slsu@gmail.com
DISCLAIMER: Kung wala kang magawa, ‘wag mo ‘tong gawin…