Gumagarahe na ng mahabang sandali.
Hayu’t nakayungyong pa rin sa mesa ang lima niyang daliri.
Habang kipit ng kabilang kamay ang nag-aamok na bituka
ay matiim na nakatingin ang dal’wa niyang mga mata:
sa palibot ng plato,
sa bingut-bingot na baso,
sa balu-baluktot na kutsara’t tinidor;
sa halos lahat ng mga ito,
lalong sumisidhi ang pagkasabik
ng bunganga niya manapa’y hindi bibig
na sayaran ng kahit anong makakain
upang lunasan ang pobreng problema
ng naghuhuramentado niyang sikmura.
Umaandar na ulit ang utak niya sa paligid
at noo’y namimintana na ang luha sa gilid
ng mata niyang tulad sa tiyan niyang namamanhid
sa nguyang isang pangarap at hingang walang patid!
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Published in Volume 1 of Paleta on 15 March 2010.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Published in Isyu 2: Talamig 2010 | Pyrotechnic Poetry 2 of Paper Monster Press on 3 December 2010.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Related articles
- Paper Monster Press (Issue No. 2: Taglamig 2010 | Pyrotechnic Poetry 2) (arkibero.wordpress.com)
nice:P
LikeLike
Salamat much, Jmilez!
LikeLike
Pingback: “Pyrotechnic Poetry 2″ Selections: PMP’s 2nd Issue (Taglamig 2010) | schiZOO·