At pumailanlang ang bahaw na tugtugin
sa saliw ng makapanindig-balahibong
agunyas ng patay.
Kapagkadaka’y
lumitaw ang ‘sang musmos na ulo.
Mukha niya’y lukot—malungkot;
mata’y kasisinagan ng poot.
Kaginsa-ginsa’y ngipin niya’y nagtagis,
kaalinsabay ng luhang nagmamadaling dumadalisdis.
Ang bata ay malagim na tumatangis!
Ngunit hintay ka’t biglang bumungisngis!
Sabay usal sa boses na matinis:
He-he-he! Kamusta na ikaw???
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Published in Volume 2 of Supismo on December 2008.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••