larawang kuha ni John Mark I. Perez
ang [tula]rawan (photopoetry) na ito ay naunang naipublisa sa pinakaunang isyu ng Krapsikol: Ang manwal na cool (student planner/alternative form of The Spark) noong ika-15 ng Setyembre, 2010
Naaalala mo pa ba—
…nang tumunghay ang pag-asa
…nang tahakin natin ang daan ng pagluluksa?
…nang magningas ang kandila at magdasal tayo bilang isa?
—habang nandidilat na naka-imprenta ang patuloy na ikinakasa:
NEVER FORGET, NOV. 23!
*pag-alaala sa Maguindanao Massacre kaugnay ng “NEVER FORGET: Candle Lighting in Commemoration of the Ampatuan Massacre” ng College Editors Guild of the Philippines sa Murcia, Negros Occidental noong nakaraang 23 ng Abril, 2010.