Answer sh[i]t


Nagtitigan kami—
mataman, matagal
hanggang mapatigalgal
at mata’y mamuti
sa kulay niyang puting-puti.

Nakakaloko.
Halos umeskapo ang utak ko;
gulung-gulo na napako
sa pagligwak ng nagdaang minuto
na pinadaloy lang ng mga dugong
nagkumahog-puslit sa bukana ng aking ilong:

NOSEBLEED!

Hala!
Isip pa [kahit walang maisip!]…
Kamot pa [kahit walang makamot!]…
Pindot pa [kahit walang mapindot!]…
Aaaaaaahhhhhh!!!

Ayoko na! Hindi ko na kaya;
hands-up na ‘ko!
Gustung-gusto ko nang isuko,
isuka ang naglalawang katotohanan
na isa uling nirereglang singko
ang dadalaw at magmamantsa sa classcard ko.

Nakakainis—
ambilis!
Pasahan na agad
pero gaya ng utak ko
‘tong papel ko, blangko!

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Published in Volume 1 of Paleta on 15 March 2010.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s