Kahangalan


MARIA ABULENCIA: Magsimula sa mga salitang “AYAW KONG

 …maalala ang mga pangyayaring nagpapagulo sa utak kong komplikadong mag-isip. Samu’t saring pangyayari ang nagpapalala ng mga ito at sa pagtikatik ng orasang maingay na tumatagitik ay mapapansing isa nga akong hangal, gago, sira-ulo, tarantadong nilalang na sumasabay sa pag-ikot ng mundong parang bolang idinrible [‘di ba dapat idrinible’?]: tumalbog, gumulong, doon sa ilalim ng sirang bangko. At sa kanyang unti-unting paghinto, maraming beses akong napaisip nang malalim. Emo ang dating. Parang isang sirang plakang unti-unting binalikan ang mga pangyayaring nagpagulo sa buhay kong kawindang-windang. Dahil dito, lubusan akong napapahinga ng malalim. Hingang umaaabot sa kaibuturan ng aking puso na wala sa hinagap kong magpapalala ng damdaming matagal kong itinago nang matagal dito, sa loob, ng mahirap kong aruking pagkatao. Samantala, sa unti-unting paglipas ng bagay, para akong hangal na muling bumalik sa katinuan kung ako’y napapa-paranoid, ay ‘di sige. Hayai… Basta masayang-masaya ako na humantong sa panulat na ito.

 

Siguro alas onse na
Friday
August 22, 2008
Hamlet Hall
SLSU

 ===============================================================

Kakadipot lang yung damdaming umuukilkil sa akin, sa bisa ng panulat na maigting na yumayapos sa puso kong sali-salimbay na tumitibok ilalim ng atay kong parang mapupunit dahil sa mga bagay na hindi ko talaga maisip ng todo na gagalaw sa utak kong nababangag.

Simulan natin sa isang papasok na salitang [‘]simula[‘]. Sabi ng ilan: bangag daw ako. Isang weirdong taong na sumasalampak sa lalim ng mga salitang pumapaimbabaw at lumalabas sa bunganga ko, hindi paos, na nagpapatawa sa mga nakakausap ko. Samakatwid, hindi ko alam ang magiging reaksyon. Para kasi[ng] sila ang weirdo. Hindi lang siguro magkatalik ang isip namin. Siguro nga[;] e[,] walang paglagyan yung mga ideya ko sa utak ng karamihan kaya hindi ako maintindihan.

Maiba tayo, ba’t kaya walang pamagat etong ikalawang kong sulat-sulatan. Sana malagyan ko din katulad nung una. Kasi para maganda rin yung kalabasan. Nababangag ang realisasyon? Siguro maiging yun ang gamitin ko. Wala nga kasing maisip na tunay. Bast tuluy-tuloy akong nagsusulat. Gugulo bigla yung [utak ng] isang ako. Mapapasinghot sabay ubong papaos. Ayaw ko na. Alterasyong paigtingan ang kailangan ko nang magkaroon naman ng katinuan ang utak ko. O… Peace of mind, have mercy. Tulad na lang ng mga sabdyek na matematika at ng kanilang mga kumplikadong pormyula., sana magkasundo na kami para ayos na ang takbo ng buhay ko s Gusaling MHDP. Siguro nga kahali-halina kung ayos yun. Wuhu. Nauubos na yung susulatan ko. Hihinto pa kaya ang minute[?] Siguro, pati yung facilitator naming, natatawa na sa ‘kin. Pushet!  Wala na. Wala… Wala… Hinga. Ubo. Tigil. Espasyong naubos. Dugtungan ko ha[?] Tenkyu.

Tibak na Sibil
11:19 a.m., FRIDAY
AUGUST 22, 2008
HAMLET HALL
SLSU-CAS

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s