Nakaumbok sa kaliwa
ang hagupit ng sigwa
maitim na maitim (tulad ng budhi mo!),
malaking-malaki (tulad ng dekwat mo!),
makapal na makapal (tulad ng muk’a mo!).
Namimiyuk-miyok tuloy
sa pag-usal ng “D’yos-ko-po!”
ang mga Pinoy na nilumpo
ng walong taon mong pag-upo
sa tronong sinapinan ng trapo!