Alterasyong Paigtingan


Yano!

Tatlong taon na rin pala ang tikom na nagdaan buhat nang umanib ako sa opisyal na publikasyon ng mga mag-aaral ng Kolehiyo ng Inhinyeriya sa Southern Luzon State University, ang The Spark.

Sa aking paglalagom at pagbubulay-bulay sa mga artikulo ko maging ng aking mga ka-isparkista na naipublisa sa The Spark, masusuring padaplis lang naming binaybay ang mga isyung panlipunan at pangkampus na siyang talagang kinakailangang maipabatid namin sa inyong mga mambabasa.

Dahil dito, nakapanghihinayang na sa nalalabing panahon na ipaglalagi ko/namin sa ating publikasyon; e, medyo hindi pa o hindi pa talaga ako/kami nakapag-aambag ng mga realisasyong sumesentro sa binabangaw na sistema ng ating bansa (o maari bang sabihing pati na rin ng ating unibersidad?). Ito marahil ang isa sa kongkretong dahilan kung bakit hindi masyadong madama ang presensya at eksistensya ng The Spark kahit man lamang sa Gusaling Marcelo H. Del Pilar.

Tunay na masakit lunukin ang matinik na katotohanan!

Isang napakalaking sampal sa muk’a na tinuringan kaming BOSES NG MGA ESTUDYANTE ngunit sa loob ng nakaraang mga taon ay nagpatianod lamang kami sa paglubog sa nakagawian kung saan putol ang aming mga kamay kung isulat, iguhit o retratuhan ang mga namumulang realidad!

Marami-rami na rin palang isyu sa loob at labas ng unibersidad ang aming pinalampas. Sabihin mang isa akong realistang dyurnalista ngunit ang paglulunoy sa gan’tong mga paksa’y madalas ko lamang maihantong sa isang likhang pampanitikan, partikular sa isang tula na may malayang sukat. Samakat’wid, kadalasan ay walang direktang kontak ang gan’tong mga usapin na mailathala bilang isang nagbabagang lathalain o balita.

Matagal na rin ang panahon ng pagmamatyag. Noon pa man ay ibig na ibig ko nang pumiyok ngunit hindi ko pa mahagilap sa sandamukal na mga salita ang aking bibitawan. Marami nang nagtanong ngunit hindi ko napangahasang tugunin dahil may mga bagay talaga na naiintindihan mo pero hindi mo kayang ipaliwanag…sa una. Bunsod noo’y napako na muna ako sa pag-aantay at pagsasaliksik sa maaring makaintindi sa akin.

Isang napakalaking signos ang College Editors Guild of the Philippines (CEGP). Dumating kasi sa punto kung saan maalab na nagtalik ang aming mga utak (Ako, Loraine, Al, JC, Miel, at iba pang isparkista) sa iisang direksyon. Sukat noo’y pilit naming hinagilap ang CEGP upang muling gawing aktibo ang aming membership . At sa aking pag-entra sa kanilang lugar, luminaw ang dati’y malabnaw na katotohanan. Makailang-kurap ay namalayan ko na lamang na miyembro na ulit kami ng isa sa pinakamalaking samahan ng mga publikasyong pantersirarya sa buong Pilipinas! Patunay nito ang aming partisipasyon sa nakaraang 69th Nat’l Student Press Convention na ginanap sa Ouans Farm Worth and Resort, Lucena City noong Mayo 16-20, 2008 kung saan hindi maitago ang aming malaking kasiyahan nang manomina at pumasok sa Top 6 ang ating magasing ‘Genre’.

Napakasarap sa pakiramdam. Ang dating sanktuwaryo na kinabibilangan ng ating publikasyon ay muli naming naibalik sa poder nito. Ang dati ring ‘bulag’ na mga mata ay muling nangagsipagkita. Naalala ko tuloy si Meyie, ‘yung kaklase kong astang-tibâk din noong hayskul. Bago kasi kami maghiwalay e binigyan n’ya ako ng isang maliit na karton na kinalilimbagan ng mga katagang “KELANGAN NILA TAYO! SALAMAT SA MATA!”

Sa pagkakataong ito, bilang pagtutuldok, asahan ninyo ang pagbangon ng The Spark sa matagal nitong pagkakahimlay sa ating State U. Muli naming sisimulan ang pagluluwal ng mga mapagpalayang artikulo upang muling panaigin ang hiyaw ng naghihingalo nang katotohanan sa sangkaSLSUhan.

Hayaan ninyong wakasan na namin ang pagiging isang tipikal na publikasyon na nabubuhay sa mga artikulong pa-safe at pipitsugin!

Simulan na ang rebolusyon! este, ebolusyon!!!

Paigtingin pa ang panggagago! este, pagbabago!!!

Mamulat ka sana!… Ikaw na kasapi o hindi kasapi ng mga organisasyong magpahanggang-ngayon ay nagsisipaghilik at bulok na natutulog!

Sama-sama tayo…mga estudyante at mga taong uhaw sa pagbabago!

8 responses to “Alterasyong Paigtingan

  1. Shokran ho for the overwhelming at nakagugutom (hindi pa ho kasi ako lumalamon) na testamento.
    Nice! I’m lookin’ forward with your suggestion. Sana makagawa ako n’yan. Muk’a kasing affected na affected kayo! Hehehe! Keep in touch. Cheer up, cheer up!

    Like

  2. galing ng mind mu..keep it up man…write kp ng mga articles..pwede ba gawa ka ng article..beware of users…yay dami ko nameet nyan dito..gosh..i dont know san lupalop cla ng mundo nagmula..can’t distinguish what is right and wrong..

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s