Harsh, harsh, harsh!!!


Inihaw (Siakol)
[audio:http://michaelalegre.i.ph/photo/d/158-1/Lupet+na+Hagupet.mp3%5D <—click mo muna ‘tong play!

“Nakatikim ka na ba ng lupEt na humahagupEt?”

He-he-he! Kami ni Man-Ed (JC)?—————sobrang OO!

N A A A L A L A   K O   P A . . .

Noon kasing nakaraang Thursdie, este! Thursday (May 7—matagal na, ano?) e sobrang malas namin—as in para kaming dinapuan ng OA na swine flu!

Umaga pa lang kasi nun e punumpuno na ng hassle. Bale eto yung mala-awtlayn na nagyari nun. Bigyan ko na rin ng engot na taytel:

EM-EY-EL-EY-ES

(Ang Eskapeyds ni Dyangkris at Maykelokotkotkot)

  1. Tinanghali ako ng gising! 8AM ang call time namin ni JC sa State U para dyumuti sa Student _enter(nasira na kasi yung ‘C’—tinanggal ko. He-he!) ng College of Engineering dahil enrollment pa rin nun ng mga incomin’ freshie sa SLSU kaso past 8AM na dumilat yung mata ko kaya hassle Huwebes na agad ang start ng araw ko.
  2. After ko maligo (bale ‘saktong sinusuot ko na ‘yung itim kong boxer brief); e, biglang nagdilim ang langit ta’s nakipagboksing ang malakas na ulan. Nyak! kaya ang ending: kalahating oras akong nag-abang ng traysikel  sa bahay namin. Wala kasi yung payong (dala ng tatay ko papuntang DPWH) kaya hindi ako makapag-abang sa malaki-laking kalye malapit sa ‘min na talagang dinaraanan ng mga sasakyan. Tsk! 
  3. Medyo humina naman nang konti yung ulan (naawa nang kadipot) kaya tumakbo na ‘ko sa do’n sa tinutukoy kong kalsada at ngiting-plastik na nag-abang. Pagsakay ko ng traysikel, naalala kong inutusan nga pala ‘ko ng tatay ko na magbayad muna sa kuryente do’n sa Rural Bank bago dumiretsong iskul dahil baka raw maputulan na kami (2 mos. na kasi kaming delayed! He-he!). Kaya ayun, imbes na sa State U e sa “Buddy’s” muna ako naiinis na nagpahatid. Ang alam ko kasi, nasa gilid lang no’n ‘yong pakay kong bangko (hala!). Nang makarating na kami do’n at iabot ko na ‘yong P100 sa drayber; e, ‘ala raw s’yang panukli. So bumaba muna ako para magpabarya. Buti na lang nahagilap agad ng mata ko ‘yong Racquel Pawnshop na nasa kabila ng highway kaya lakad-takbo akong tumawid ng kalsada dahil umuula-ulan pa nun.
  4. Paksyet! Pagtapat ko sa mismong harap ng Racquel Pawnshop, swabeng-swabeng NADULAS ako! Na-OA-yan ako sa pagkaka-out-of-balance dahil napahiga talaga ‘ko sa kalsada na parang magpapasagasa. Tapos humiwalay pa sa ulo ko ‘yong suot kong cap. ‘TaktE ‘yan! Para akong nag-shooting ng walang direktor… Mabilis akong tumayo na parang walang nangyari. Mabuti na lang ‘ka mo da’l slow mo yung pagkakadulas kaya hindi masyadong nanakit ‘yong pwet ko (ha-ha!). At mabuti na lang din da’l confident pa rin ako at nakangiti kahit andaming nakakita (teknik? he-he!). Sa isip-isip ko lang: sana wala akong kakilala. Pero paglingon ko sa kabila ng kalsada; e, naglalakad pala si Carla, co-Eng’g stude ko, at shock na nakangiti. Nakakahiya! So ngumiti na lang din ako. He-he! Pagpasok ko sa loob ng pawnshop kung saan muk’a pa ring gulat na gulat ‘yong gwardya na nakatingin sa ‘kin; e, sinalubong din ako ng mga gulilat na personnel do’n. Wala pa raw silang barya, sabing titig na titig sa ‘kin, so mabilis akong tumalikod at umalis. 
  5. Sa kalapit nEtong kompyuteran ako nagtungo. Buti na lang mabait si ateng-bantay (hindi ‘yong patotot, ha?) dahil mabilis n’yang binaryahan ‘yong ‘sandaan ko. Tapos ‘yon, bumalik na ‘ko do’n sa traysikel na nag-aantay ng bayad ko. Hinintay kong pumiyok ‘yong drayber pagka-abot ko no’ng PhP 7.00 pero wala akong ibang nakuhang reaksyon kundi blangko. Malamang, ‘di n’ya nakita ‘yong “shooting” ko kanina o baka nagpatay-malisya lang s’ya? A! Pakialam ko ba? He-he! Wapaks, pumunta na ‘ko dun sa sa bangko ng walang tingin-tingin sa pangalan nun. Pagbungad ko sa pinto, tinanong ako ng gwardya kung anong sadya ko. Sabi ko, “Magbabayad ho sa kuryente…” Ha-ha! Sinagot ba naman ako na sa Rural Bank daw ako magbayad! Huli na nung makita ko na UCPB pala ‘yung pinasok ko!!! Ha-ha-ha! Taenang buhay ‘yan! Hindi pa nga ata ako nakaka-moved on sa “eksena” ko kanina. Ha-ha! Pero ayos lang, pers taym ko naman kasing magbayad sa ilaw…
  6. Pagkatapos kong magbayad sa totoong Rural Bank, na dun pala sa may munisipyo malapit, e sumakay na ulit ako ng traysikel patungong State U. Dun ako nagpagpag ng todo. Medyo naputikan pala yung likod ng suot kong polo shirt. Then ‘yun, pinabayaan ko na lang ta’s mabilis na akong dumiretso sa Student _enter nung nandun na ‘ko ng MHDPBuilding (College of Eng’g). Ayos na naman raw sila, sabi ni Hetek (blockmate ko). Kaya na raw nila, so sa opis na lang ako ng The Spark nagtungo. Maya-maya, dumating si JC. Kanina pa raw n’ya ko NIAANTAY so kinuwento ko yung nangyari sa “shooting” ko kani-kanina lang. Samantala, ibinalita naman n’ya sa ‘kin ‘yung pagkalaglag ng selpon n’ya sa traysikel kahapon (Miyerkules) kung saan ‘di na raw naibalik. Namputik, hinabol pa raw n’ya yung traysikel pero ‘di n’ya naabutan! Parang action naman raw ‘yung “shooting” n’ya kung ‘yung akin daw e pakyut. Ngek!
  7.  Whoa! Tuloy na pala nung araw ding yun ‘yung OB (Official Business) namin sa The Luzonian (Publication ng Enverga) para sa entries naming magasin (Genre) at literary digest (Supimo) sa CEGP 69th NSPC . So noon din e nang-hunting agad kami ng 3-white-copy ng Supismo sa loob ng faculty room da’l kulang pa ‘yung copies namin na panglaban. Pero ayon kay JC, pumayag na man daw yung pinagpaprintan namin sa Lucena na ibigay ‘yung 2 copi
    es nila ng Supismo so bale 1 kopya na lang ang ipa-prime suspect namin sa faculty room. Ambilis, bull’s eye agad! Nakikipaghambugan na kasi ‘ko nun kay S
    ir Santos (prof ko sa Thermo) nang masipat ko ‘yung 1 Supismo sa salansan ng mga aklat malapit sa kanya. Ayos naman da’l hindi pa gusot nung makuha ko kaya iniwan ko na si sir na sige pa rin ang pagdaldal.
  8. Matapos balutan ang entries namin; e, lumabas na kami ni JC ng State U at nag-abang pa-Lucena. Ayun. Nung nasa loob na ng dyip e k’wentuhang umaatikabo, nakasakay kasi namin yung blockmate ko na si Kaspog na pauwing Catanauan. Maya-maya e biglang nagkasundo ang utak namin ni JC na sa grand terminal na lang bumaba para tingnan kung saan banda yung Ouan’s Worth Farm and Resort na paggaganapan ng Nat’l Student Press Convetion ng CEGP. P7 lang naman pala ang pamasahe nun mula sa grand so tumuloy na kami dun… Abot-tenga ang ngiti namin ni JC ng makarating doon. Para kaming mga baliw na tumatawa da’l sa sobrang eksayted sa convention. Matapos mag-roving sa loob ng resort, kung saan sinabihan kami nung babae na nagsasayang lang daw kami ng pamasahe, e sumakay na kami ng traysikel papuntang printing press ng Enverga. Eto na naman kami, matapos kaming bumaba, e siningilan kami ng tig-P25 (tama ba JC?) nung drayber. Napasimangot si JC. Ako naman e madaling napahinudhod. Sinabi ko kay JC na pagbigyan na lang ‘yung drayber kasi baka me swerte rin yung kapalit sa entries namin so binigay n’ya na rin ‘yung bayad na parang nagdadabog. 
  9. In-entertain naman kami sa loob ng printing press. After ng usap-usap at bigay-bigay e ginalugad na namin ang publikasyong The Luzonian sa may gym ng MSEUF (Enverga) da’l doon ang isinasaad na lugar ng kanilang opis. Grrr!!! Para kaming engot ni JC na nagroronda(!) sa Enverga da’l sa mala-amazing race na hanapan. Wala naman e! Walang-wala! Napamura pa ako (sa sarili lang ha?) nung malaman namin na lumipat na pala ng opis ang The Luzonian sa kung saan. Nyek! He-he! Bigla ko tuloy naisip kung pa’no na yung ibang entries?
  10. Nag-fill up pa kami ng destination slip (see scanned image below) bago pumasok ng MSEUF. After ng ilang hanapan sa loob ng university e nakita rin namin ‘yung tinutukoy na OSA (Office of Student Affairs?). At bumulaga na rin sa ‘min ang bagong pintang opis ng the Luzonian. Kaso, amproblema e dinatnan namin itong sarado so dumiretso kami sa kalapit nEtong Guidance office ata ‘yun (?) at nagtanong. Ayon sa kanila: hindi raw nila alam kung kelan binubuksan ‘yun at ‘di raw sila tumatanggap ng mga bagay na para sa ibang opis. Kaya dun na lang kami sa dyanitor nagtanong (he-he!). Medyo nagkaro’n naman kami ng pag-asa ng sabihin n’yang tuwing hapon daw e mga  nagsisipagpunta raw dun ‘yung mga staffers so nag-antay na lang kami dun at naningin-nignin ng pwedeng tingnan sa paligid. Mga ilang minuto e nagparamdam si ‘gutom’. Hindi pa pala kami kumakain ni JC (magti-3PM na ata nun?) so tumuloy muna kami sa canteen ng iskul. Nakakawalang-gana! Hindi kasi ngumingiti ‘yung tindera (ha-ha! arte ko e!). Tapos wala ng ibang ulam kundi bola-bola na bente pesos!!! Kesa manakit ang tiyan e pinatos na rin namin yung pagkain. Mahirap na. Pagkatapos ihain ‘yung pagkain sa nasa harap naming tray e kinuha ko agad ito upang dalhin sa aming table. Katanga-tanga (malay ko ba!), e dun ako dumaan sa may kabila ng counter so para akong tanga na nagpipilit na dumaan dun e hindi pala yun nadadaanan. Ha-ha! Buti na lang alang masyadong tao sa canteen so hindi napuna yung kabanuan ko. Ganun pala ang sistema dun? Nyak, nyak! He-he!

  11.  After kumain e bumalik na kami ni JC sa OSA… Pero wala pa ring pagpapakitang naganap sa isa mang staff ng The Luzonian. Nag-antay pa kami. Nang maubos na lahat ng pwede naming titigan e nagpaalam na kami sa dyanitor. Bago iyon e nagsulat muna ako ng note na nagsasabing bumisita kami dun para dalhin yung aming entries. Ta’s ‘yun nagdesisyon na kaming umalis ni JC para tawagan si Trina Melissa Federis ng St Paul University na siyang namamahala sa mga Luzon delegates (ha-ha! kumpleto!) upang humingi ng payo kung anong dapat naming gawin dun sa dala naming entries.  Mabuti nama’t may pay phone sa loob ng Enverga so pinindot na ni JC ang mga numerong dapat pindutin. Waaaaaaaaaaaaaaa!!! Pati ba naman cellphone ni Trina, unaattended??? Nakailang-try pa si JC ng call pero wala talaga! Napaisip tuloy kami na baka dinidenggoy lang kami ng CEGP! Anlala na talaga ng utak namin nun! Paranoid na paranoid! Ha-ha! So mabilis ang pasya: ayawan na ito! Mag-i-SM na lang kami. he-he!
  12. Tamang timpla! Ayos ang atmospera sa mall. Nakakawala ng GRRRR!!! He-he-he! Matapos magtungo sa CR e sinubukan uling tawagan ni JC si Trina. Nakakatawa da’l mali pala ang paulit-ulit n’yang nadadayal na number nung nasa Enverga pa kami! AHAHAHAHAHAHA!!! Tawa kami nang tawa. Gusto kong batukan si JC ta’s ‘yung sarili ko rin kung bakit hindi man lamang namin na napansin na yung number pala ng taga-mindanao ang natatawagan n’ya! He-he! Hangalang-hangalan talaga ang nagyari!
  13. Matapos ang tawanan portion e nakontak din n’ya si Trina. Sinabi raw nito na ipadala na lang sa LBC yung entries na tinawanan ko da’l parang tangahan naman ata ‘yun na nasa Lucena na kami ta’s yung pagdadalhan e Lucena rin! haha!!! Kaya nagpasya si Jc na babalik na lang s’ya kinabukasan. S’ya na lang raw magdadala bukas sa The Luzonian. Okidoks, di na ko umimik kasi kasalukuyan na naming nilalantakan ‘yung fried chicken ng KFC noon. Sarap! He-he!  Ok na ko..

WALANG K’WENTA! KATAPUSANG NABUNDAT SA PAGKAIN AT MALAS…

BOW!

===============================================================
tiway!
================================================================

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s