Haha no hi omedetoh


Ang hirap ‘pag hindi emotional family.

kasi nakakahiyang yumakap, kumiss at bumati ng kung anu-ano.

Kumbaga:

sobrang dyahe!

Pero sa tingin ko naman pakiramdaman na lang ‘yan.

Kung malakas ‘yong 6th sense ng isa senyo, ‘di na kelangan ‘yon.

Mas malinamnam kasing paniwalaan ‘yong kilos kesa dakdak!

Kasi andami ng madyikerong tao sa mundo

—mga orocan, plastic, tupperware, et al., sabi nila

Pero anu’t ano pa man,

ceasefire muna tayo sa mga ganyang uri ng nilalang at sa mga problema ng mundo.

Kahit konti, katiting, kadipot, at redundancy-ng sandali

e bigyan muna natin ng pansin

yung isa sa pinaka-imporatanteng tao sa upsidedown-ic nating buhay.

Basta, babala:

‘WAG N’YO AKO GAYAHIN

NA SOBRANG MAHIYAIN PAGDATING SA GAN’TONG MGA GAWAIN!

“Di kasi uso sa ‘min ‘yong ganun e.

So ayun,

sana, pagdating ng araw, malaman at mabasa rin nila ‘tong blog ko…

ma-appreciate ‘yong mga gawa ko…

at maging maluwag sa isang napakamurang bisyo ko:

yung pagsusulat

——hindi na yosi at alak ha? (lol!)

at naniniwala pa rin naman akong darating din ‘yon!

So salamat sa’yo MA, dahil kahit pa’no naiintindihan mo ang kalokohan ko (!)

at para masaya, magpapakadyapanis muna ako:

“haha no hi omedetoh!”

o

“Happy Mother’s day!” (belated!)

—huhuhu…sana tumagos!—

Awww…labyu!

ARIGATO MA! (courtesy of TokyoTokyo).

Hehe! SARAP!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s