Ang babaeng ‘patotot’… (part 2)


aNg karugToNg…

Hala!

‘Kala ko taym na ko! Yun pala may kakaibang pakay si ateng bantay sa ‘kin:

“Hi! Pde chat tau? :),” sabi ng msg n’ya.

Matagal bago ako nakapiyok! He-he! Medyo napangitI ako. ‘Di ko kasi ‘lam kung ‘nong nakain n’ya at ako pa ang naispatang chat-tin!. Naku! ‘Di ko na pati ‘lam ang gagawin… Kung u-Oo ba ‘ko kasi feeling ko; e, ginugudtaym lang n’ya ‘ko. Kaya ang ginawa ko, kahit na alam kong galing kay ateng bantay yun; e, nagkunwari muna ako:

“Cno ka?” reply ko sa kanya.

Mabilis s’yang nag-reply:

“Aq yung bantay dito sa comp.”

“Ahh…” matipid kong sagot.

Medyo napatingin ako nang palihim sa kinaroroonan n’ya.

“Pde kunin number mo?” dagdag-mensahe n’ya sa’kin.

W@@@@@@tttt! Ha-ha! Gusto kong tumawa no’ng mga oras na ‘yon! Para kasi s’yang nanti-trip ng taong muk’ang multo—ako ‘yon! (lol!).

“Ahm…confi, e!” sabi ko.

Ha-ha! Gusto ko na talagang bumunghalit ng tawa sa kinauupuan ko. Buti na lang mabilis akong nakapagpigil. Feeling ko naman! Lakas!

Nyay!

Ewan ko ba? Maya-maya e “kinakabahan” na ang pakiramdam ko da’l sunud-sunod na yung msg. n’ya:

“ilan taon k na?”

“Oi! number mo!”

“Uy”

“helo…”

“Di ko na alam ang gagawin ko. Parang biglang nangati yung p’wet ko!  Parang gusto ko nang mag-logout; e, balak ko pa namang maglaro pa ng Grand Chase. Naku! Nangungulit na kasi! Patay kang bata ka!

Kaya nireplayan ko na lang:

17. Maya na lng un number.”

“ok! maya ha?”

Medyo nakahinga ako nang maluwag. Mga ilang segundo rin kasi s’yang tumigil sa pangungulit. Pero amproblema, hindi na ‘ko makapag-concentrate sa ginagawa ko. Nakikita ko kasi sa gilid ng mata ko na ‘nginunguso at ‘kinukwento n’ya na ‘ko sa mga kasama n’yang babae sa pwesto n’ya.

Dahil do’n, mabilis na akong nagdesisyon: mag-aawt na ko! At ‘di ko nibigay number ko. He-he!

Eto na! Pati pagtayo hindi ko na alam! S’yempre, dadaan muna ako sa kanya para magbayad. At s’yempre me tinginang mangyayari. Alangang iiwas ko yung mata ‘ko? ‘Di na nagalit pa ‘yon at sabihing suplado ako.

Waaaa!!!

At eto na ang mga huling nangyari:

Nakasimangot s’ya no’ng magbabayad na ‘ko. Pagalit pa ‘yong boses. Napa-isip ako: Ahhh…yung number ko ngapala…

Hindi ko talaga binigay hanggang matapos! At bilang patapos, um’wi na ako at nagtraysikel nang nanghihinayang…

Why???

Ek kasi nga hindi na ako nakapag-attendance sa Grand Chase! Tsk!

He-he-he! Weirdo ko talaga.

—‘yon na ‘yon; DA END NA EARTHLING.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s