Ang babaeng ‘patotot’ sa kompyuteran


Nakakahangal!

Ala talaga ‘kong balak na i-post ‘to dito. Pero dahil na rin sinisipag uli akong mag-blog at medyo dinadalaw pa ako ng pagkablangko sa susunod na gagawin ko dito sa kompyuteran; e, bibigyang-daan ko muna ‘tong nangungulit sa cerebral hemisphere ko (ha-ha!). So ayun, magpapakaharot-mode muna ulit ako ngayon. At para mabilis, eto na s’ya! Ibibigay…ko na! He-he! Hindi ito isang Marian Rivera ha? Ito ay isa lang sa mga bebot na atat na atat magkatawang-taong-estrelya sa sementadong lupa!

Paki-arok!

Tandang-tanda ko pa ang medyo detalyadong nangyari:

Friday the tres.

Abril dalawang-libo’t siyam.

Magpa-5 PM pa lang no’n ng hapon nang maisipan kong mag-internet muna sa may…PI-BI-SI Arkeyd. Galing akong state-U no’n at medyo pagod at buryong kaya bilang pampatanggal-stress (naks!); e,  nag-rent muna ako ng kompyuter.

“Magni-net nga ho, 2 hrs. muna,” sabi ko kay ateng bantay.

Ngumiti lang s’ya. Tapos biglang tumayo.

Napalunok naman ako.

“Ahmm…p’ede ho bang sa PC 7?”

Ngumiti ulit s’ya. Parang nakaloloko na. Tapos dumiretso na s’ya ro’n sa sinabi kong kompyuter.

Sumunod naman ako. After ng pindut-pindot system, umalis naman agad s’ya. So naupo na ‘ko at nagsimulang magdudutdot sa keyboard. 

Mahalumigmig sa kompyuteran; wala akong maramdamang init. Gano’n pala ang senaryo kapag sembreak. Masarap sa pakiramdam kapag kakadipot lang ang mga estudyanteng kasabay mong nagliliwaliw doon. Wala nga kasing hassle, walang nagmamadali, walang muk’ang nahahagas at lalong walang muk’ang nagmumukhang-impyerno! Feeling ko tuloy e nag-i-SPASS (bar) lang ako. He-he-he! Relaks na relaks.

==========================================================

……………………ETO NA………………………

==========================================================

Tumatagal na ‘ata ng isa’t kalahating oras ang titigan namin ni monitor nang biglang may nagpadala ng mala-Y!M na msg. sa PC‘ng ginagamit ko. Kasalukuyan na ‘ko no’ng nagsi-search ng mga tibak na kantang ilalagay sa aking playlist sa IMEEM nang lumitaw ‘yong mensahe. Pagbukas ko no’n, gulat ako! Galing kasi ang mensahe sa counter at ibig sabihin e mini-msg. na ako ni ateng bantay:

iTUTuLOy…

5 responses to “Ang babaeng ‘patotot’ sa kompyuteran

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s