Himutok sa buhok mula tuktok hanggang batok


Muli akong hinila ng paa sa salamin
upang sipatin ang malalim na problema:
nanggigitata na pala ang buhok kong alambre—
nangangamoy, nanlalagkit, nangangati-ngati!

Upang sipatin ang malalim na problema,
hinawi ko ito; ako ay nandiri!
Nangangamoy, nanlalagkit, nangangati-ngati…
What the fuck! Parang tustadong mga bulati!

Hinawi ko ito; ako ay nandiri:
Yuck!
What the fuck! Parang tustadong mga bulati,
kikislut-kislot…sunog na sunog!

Yuck!
Lalo na nung lumitaw yung mga kuto,
kikislut, kislot…sunog na sunog
ang kulay. Parang mga pamintang buo.

Lalo na nung lumitaw yung mga kuto,
at tumulay-tulay mula tuktok hanggang batok!
Ang kulay, parang mga pamintang buo.
Grrr!…sarap tirisin!

At tumulay-tulay mula tuktok hanggang batok
—nakakagigil:
Grrr!…sarap tirisin!
Hay naku, maliligo na ‘ko!

Nakakagigil,
nanggigitata na pala ang buhok kong alambre!
Hay naku, maliligo na ‘ko!
Muli akong hinila ng paa sa salamin…

=============================================================
Ang tulang ito ay produkto ng kauna-unahang workshop ng mga Isparkista (miyembro ng  The Spark) sa paggawa ng tula sa pamamatnubay ni Kuya Makoy na isinagawa sa Drawing Room ng Marcelo H. Del Pilar Bldg. (College of Engineering), Southern Luzon State University, Lucban, Quezon noong 11 January 2009.
Eto nga pala ‘yong meaning ng Pantoum. Try mo, ayuz!

2 responses to “Himutok sa buhok mula tuktok hanggang batok

  1. im torn between squirming and giggling sa pantoum mo and i ended up doing both .. squiggle, squiggle, squiggle.. :S
    galing mo .. ngayon ko lang na appreciate yung mga tulang ganito. sana paskel ka pa madami.. minus the kutos… would be a fun read. 🙂

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s