Mahal ako ni Terti-Fayv-Terti!


Putangina!

Nalaglag yung selpon ko kahapon ng tanghali!

Pagdating ko kasi sa bahay kahapon ng tanghali (pagkatapos kong sagutin ng pabalang yung nanay ko na “siya na lang ang mag-aral kasi magaling pala s’ya e!” at pagkatapos kong kumain ng nakakawalang-ganang tanghalian); e, napansin kong nawawala pala ‘yong mamahalin; este, minamahal kong selpon na 3530! 😀

Hala!

Dahil do’n, dali-dali akong nagbihis ulit ng uniform at tumalilis ng alis sa bahay!

Halos 2 hours akong naglilibot sa gusali ng inhinyeriya, pero wala! Pinuntahan ko na lahat ng pinagklasehan namin, pati sa The Spark, hinalughog ko lahat ng sulok, pero wala talaga!

Then kapalmuks, naki-text ako kay Ate Ngiti o Ate (xe)Roxan. Eto ‘yong text ko:

“PAKISAULI NAMAN YUNG SELFON NA ‘TO! PLS. AKO HO YUNG MAY-ARI: MAYKEL ALEGRE, BSCE-3, SLSU. PWEDENG ISAULI RITO SA PASEROXAN NG ENJINIRING! TNX, TNX!

Pagkatapos, after ng ilang minuto, may nag-reply!!! Kunin ko raw sa Gomburza cor. Jacinto! Edi dali-dali akong pumunta ko ro’n at ikinuwento n’ya ang nangyari… (Bale ‘yong anak ng drayber ng traysikel ng sinakyan ko ang pinagkunan ko ng selpon. at…)

GAN’TO PALA (SIGURO) ANG SENARYO:

Pauwi na ko galing isteyt-U (SLSU) nang dumulas pala ‘yong selpon palabas ng bulsa ng pantalon ko patungo ro’n sa inuupuan ko sa traysikel! (Siguro dahil sa slope ng upuan? He-he! Detalyado!). At nang bumaba nga ako; e, naiwan ko sa loob ang kaawa-awang selpon! Tapos ‘yon, nangyari na ‘yong nasa taas at ang nakapulot nga; e, ‘yong driver na tatay n’ya!

After ng ngitian at tenkyuhan, umalis na ko! Diretso ng simbahan! (Naks!)

Ayun nakahinga na nang maluwag! Mahal pala talaga ko ng selpon ko. Muntik na rin kasi ‘yon mawala dati pero makulit, bumabalik talaga! 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s